^

Punto Mo

EDITORYAL - Habambuhay, iparusa sa mga magtatanim ng bala!

Pang-masa

NARARAPAT nang magsagawa ng imbestigasyon ang Senado sa nangyayaring “pagtatanim ng bala” sa mga pasahero na karaniwang overseas workers o mga balikbayan. Kahapon mayroon na naman umanong “tinaniman” ng bala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at hinihingan nang malaking halaga ng pera.

Malinaw na ang modus ng sindikatong “tanim bala” ay para takutin ang pasahero hanggang sa sila ay sumuka ng halagang dini-demand ng sindikato.

Noong nakaraang buwan, isang Pinay balikbayan na patungong US at isang turista na patungong Palawan ang nabiktima. Pauwi na sa US ang balikbayan nang taniman ng bala ang kanyang baggage. Gulat na gulat ang balikbayan kung paano nagkaroon ng bala sa kanyang bagahe. Hinihingian siya ng pera ng mga empleado ng NAIA pero hindi siya nagbigay at sa halip, nagreklamo sa mga awtoridad.

Ang turista naman na tinaniman ng bala ay puwersahang hiningian ng P30,000 para raw hindi na makasuhan. Sa takot ng turista ay nagbigay na lamang sa mga “nagtanim ng bala”.

Ngayon ay eto na naman at may bagong biktima na naman ng “tanim-bala”. Isang 56-anyos na domestic helper sa Hong Kong ang nakitaan ng bala sa kanyang bagahe. Hindi makapaniwala si Gloria Ortinez, taga-Pangasinan at 20 taon ng nagtatrabaho sa Hong Kong kung paano nagkaroon ng bala sa kanyang bag. Ang masakit, kinasuhan si Ortinez at kinulong ng dalawang araw. Napalaya lamang ang OFW nang mag-utos ang Pasay City court na palayain siya na walang piyansa. Hindi na siya makakaalis dahil sa pangyayari. Maaaring mawalan na siya ng trabaho. Umiiyak si Ortinez habang kinakapanayam ng mga mamamahayag. Sa dakong huli, sinabi niya na makonsensiya raw sana ang gumawa niyon.

Nasaan naman ang manager ng Manila International Airport Authority (MIAA) Bakit walang agarang aksiyon para madakma ang mga “tanim-bala”?

Ang Senado ay nararapat nang kumilos para maimbestigahan ang “tanim bala.’’ Kapag nahuli, hayaan silang mabulok sa bilanguan.

ACIRC

ANG

ANG SENADO

BALA

GLORIA ORTINEZ

HONG KONG

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

MGA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

ORTINEZ

PASAY CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with