“ANG lamiggg! Huuuh! Patayin mo! Patayin mo!” Sabi ni Sir Juan kay Nectar.
Pero sa halip na patayin ni Nectar ay nagtawa lamang ito. Tuwang-tuwa dahil sa nangyaring pagkabasa ni Sir Juan. Basang-basa si Sir Juan at ganundin si Nectar. Namakat ang mga suso ni Nectar sa basang damit.
Naabot ni Sir Juan ang seradura ng shower at saka lamang tumigil ang buhos ng pinong tubig sa kanilang katawan.
Pero kahit na ganun ang nangyari, cool pa rin si Juan.
“Bakit nabuksan Nectar?’’
“Nahawakan ko Sir Juan, sorry ha, he-he-he.”
Ngumiti lamang si Sir Juan. Pero alam niya, sinadya ni Nectar ang pagpihit sa seradura. Kung ano ang motibo ni Nectar ay hindi niya malaman. Siguro, gusto lamang siyang biruin. Tini-tingnan kung hanggang saan ang pagtitimpi niya.
“Nabasa ang damit mo, Sir Juan. Sorry ulit ha?’’
“Oks lang Nectar,” sabi at nasulyapan ang namamakat na dibdib ni Nectar. Malulusog ang mga iyon. Binawi niya ang pagkakatingin dun at ang drainage na umano’y may bara ang binalingan.
“Hindi naman nagbabara, Nectar. Tingnan mo at deere-deretso ang tubig. Wala nang buhok na nakabara.’’
“Oo nga. Siguro’y hindi lang natangay ng agos ang buhok.’’
“Sige Nectar. Magpapalit na ako ng damit. Giniginaw na ako.’’
“Teka, Sir Juan. Baka galit ka, kasi nabasa ka.’’
“Hindi oks lang yun, Nectar.’’
“Sorry ulit ha, Sir Juan.’’
“Oo. Sige. Magpalit ka na rin ng damit at basang-basa ka na.’’
“Maliligo na nga ako Sir Juan,” sabi at akmang huhubarin na ang damit.
“Teka at lalabas na ako.’’
Mabilis na lumabas si Sir Juan. Hindi na tiningnan si Nectar.
Napangiti si Nectar. Iti-nuloy nito ang paghuhubad. Hindi nagtira kahit anong saplot. Nanghihinayang siya. Naligo na siya. Pero mayroong naiisip.
Si Sir Juan naman ay nagtungo sa kuwarto niya at nagpalit ng damit. Palagay niya, sinadya ni Nectar ang pagbubukas ng shower. May balak si Nectar.
(Itutuloy)