…hanggang malagutan ng hininga.
Queen Elizabeth The First of England. Sinasabing nakarelasyon sina Robert Devereaux at Robert Dudley ngunit hindi naman naging seryoso. Kahit kailan ay hindi niya nakasiping ang kahit isa sa mga nabanggit.
Joan of Arc. Tinawag siyang The Virgin Warrior ng mga historians. Isa siyang relihiyosang babae na mas inuuna ang responsibilidad niya sa Diyos at mga kababayan kaysa pansariling kaligayahan.
Sir Isaac Newton. Umabot siya sa edad na 84 ngunit walang nakarelasyon kahit isa. Kapag daw may isang babae na nagtatangkang maging “close” sa kanya, gumagawa raw ng paraan si Isaac na hadlangan ang plano. Isa siyang mathematician, physicist at astronomer. Ang opinyon ng iba, sa sobrang abala sa kanyang trabaho, ginusto na lang niyang mag-isa kaysa magkaroon ng asawang magrereklamo na pinababayaan niya, at sa bandang huli ay iiwan din siyang mag-isa. Kinilala bilang one of the most influential people in our history.
Hans Christian Andersen. Isa siyang Danish writer. Ang ilan sa mga isinulat niya ay Thumbelina, The Emperor’s New Clothes at The Princess and the Pea. Naging bulong-bulungan na bakla raw siya pero kinontra ito ng kuwentong marami siyang hinangaang babae. Kaya lang, ni minsan ay hindi siya naglakas ng loob na magtapat ng pag-ibig dahil mahiyain.
J. Edgar Hoover. Ang pinakaunang Director ng FBI na kinatakutan ng mga nakaupong presidente, at iba pang pulitiko. Magaling siya kumuha ng ebidensiya ng mga “sekreto” ng mga pulitiko. Mayroon siyang secret files at surveillance materials tungkol sa pambababae ni John F. Kennedy, pagiging lesbiyana ni Eleonor Roosevelt at marami pang iba. Ginagawa niya ito para may pam-blackmail din siya sa mga pulitikong nagpapakalat na bakla siya. Hindi siya nag-asawa kahit kailan kahit dalawang Hollywood actress ang na-link sa kanya.