^

Punto Mo

Baguhin, patakaran sa kandidato

KUWENTONG LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MAY nagkukumpara sa mga pangkaraniwang mamamayan na nag-a-apply ng trabaho sa isang kompan­ya at isang kandidatong presidente o iba pang posisyon sa gobyerno.

Masyado raw napakaraming requirements ang hinihingi sa mga nag-aaplay ng trabaho sa isang kompanya tulad ng NBI at police clearance, medical certificate na nagpapatunay na maayos ang kon-disyon ng kalusugan.

Sa mga umaasam naman na maging presidente ng bansa ay napa­kasimple lang ang ang requirements tulad ng 40 anyos pataas, natural born Filipino citizen, may 10 taon na naninirahan sa bansa at marunong lang bumasa at magsulat.

Bukod dito, hindi na rin inoobliga ang mga kandidato na maglabas ng kanilang medical records dahil sa isyu ng privacy.

May punto nga naman na dapat ay mas mahigpit pa ang requirements sa mga kakandidatong presidente dahil ito ang pinakamataas na posisyon sa bansa.

Pero sinimplehan lang kasi ang requirements na nakasaad sa Saligang Batas upang walang diskriminasyon sa lahat ng mga Pilipino na nagnanais na kumandidatong presidente.

Bagama’t yan lang kasimple ang requirements pero batay naman sa patakaran ng Comelec ay kinakailangang magpalabas ng katunayan ang sinumang kandidato na may kakayahan na makapaglunsad ng kampanya sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kung hindi kasi kayang umikot at magbiyahe sa iba’t ibang lugar ay maaaring maituring ito na “panggulo” o nuisance candidate at maaring hindi maisama bilang opisyal na kandidato .

Nabuksan ang usapin ng paglalantad ng medical records ni Sen. Miriam Defensor-Santiago upang makatiyak na maayos ang kalusugan nito at maaring matapos ang termino.

Pero tinutulan ito ni Santiago sa isyu ng privacy at hindi siya maoobliga batay sa batas na umiiral.

Gayunman kung nais ng publiko na ilantad ang medical records ng mga kandidato ay lahatin na at huwag lang ituon kay Santiago. Maaring ang ibang kandidato ay boluntaryo na ilabas ito pero makabubuting baguhin na rin ang requirements sa lahat ng kandidato mula sa pagka-presidente hanggang local level.

ACIRC

ANG

BAGAMA

BUKOD

COMELEC

GAYUNMAN

KANDIDATO

MASYADO

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PERO

SALIGANG BATAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with