Ang hirap ng ating muling maramdaman
Gustong mag-umalpas ang puso at gunam
Saka ang damdaming sa puso pumisan
Ibig guminhawa sa’ting karukhaan
Karukhaan itong ang nakakatulad
Ay isang pag-asa sa nagbiting ulap
Ang ulan sa tuwina’y hinahanap-hanap
Subalit maramot at ayaw pumatak
Ang kaginwaha’y ating makakamit
Kung ang bawat isa’y laging magnanais
Na tayo’y gumawa at saka magsakit
Na ang bayan natin ay lumayang mabilis
Lumaya nang upang tayo’y guminhawa
At sa kabuhayan tayo’y umangat na
Dahil sa ‘economics’ ang tanging problema
Tayo ay magsikap tayo’y kumilos na!