^

Punto Mo

Password

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAY lumapit na lalaki kay Nina habang hinihintay niya sa loob ng eskuwelahan ang kanyang ina. Mommy niya ang sumusundo sa kanya araw-araw.

“Hi, Nina. Hindi makarating ang iyong Mommy dahil isinugod sa ospital ang iyong kapatid. Halika na. Ako ang maghahatid sa iyo.”

“Ano po ang password?”

“Password…ano ‘yun?”

Biglang nagtatakbo si Nina sa guwardiya ng school at inireport niya na may lalaking gustong kumuha sa kanya. Pero wala na ang lalaki nang dumating ang guwardiya.

May usapan si Nina at kanyang ina. Kung hindi masusundo ng ina si Nina, magpapadala ito ng ibang tao. Ngunit bago sumama si Nina sa taga-sundo, kailangan nitong masabi ang password. Halimbawa: I Love my Mommy Linda. Para mas mahirap, dugtungan ng maiden family name ang pangalan ng ina.

Ang password ay dapat na mahabang sentence. Kung isang word lang, mabilis maespiyahan at makuha ng masasamang tao.

Mainam din gumamit ng password sa mga matatanggap na incoming landline phone call sa bahay para iwas dugo-dugo gang. Iba dapat ang password na gagamitin sa katulong, iba rin sa mga anak. Baka maikuwento ng katulong sa ibang tao ang tungkol sa password, delikado. Kapag ang tumawag ay nagpakilalang si Mam o si Sir at sinabing naaksidente siya, itanong kaagad kung ano ang password sa katulong at sa mga anak.

Kung halimbawa at magpapakilalang pulis siya: Itanong mo ang pangalan ng pulis; saan presinto siya naka-assign; ano ang landline number ng presinto at sino ang kanyang commander. Itanong din kung saang ospital dinala ang naaksidenteng kamag-anak. Ibaba ang telepono. Tawagan mismo si Sir o si Mam. Good luck at sana ay marami ang maprotektahan ng “password system”.

Source: Facebook

ACIRC

ANG

ANO

BIGLANG

FACEBOOK

HALIKA

I LOVE

ITANONG

MOMMY LINDA

NINA

PASSWORD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with