Sir Juan (11)

“MATAGAL-TAGAL na ring walang nakatira sa kuwartong ito. Sa nanay ko ito dati. Patay na siya,’’ sabi ni Juan nang mabuksan ang ilaw ng kuwarto at natambad ang katamtamang laki ng kuwarto.

“Mga ilang taon na pong patay ang mother mo, Sir?’’

“Mga apat na taon na.’’

“Ano pong ikinamatay niya?’’

“Atake. Pero may iba pa siyang sakit – diabetes.’’

“Ah.’’

Pagkuwa’y itinuro ni Juan sa babae ang mga gamit.

“Maaari mong gamitin ang kama at iba pa. Kaunting linis lang at okey na itong gamitin.’’

“Ako na po ang maglilinis Sir. Kayang-kaya ko.’’

“Sige. Kasi’y tatawagin ko pa ang maglilinis.’’

“Ako na lang po.’’

“Sige. Kukunin ko ang walis at mga basahan. Kaunting linis lang at puwede na ‘yan.’’

“Okey po.’’

Lumabas si Juan.

Pagkaraan ng isang minuto ay nagbalik dala ang walis tambo, dust pan at mga basahan.

“Eto ang gagamitin mo. Pero kung mahihirapan ka, sabihin mo lang at pupuntahan ko ang tagalinis sa kanto.’’

“Kaya ko na po ito.’’

“Sige. Kung mayroon kang kailangan e sabihin mo lang. Nasa opis lang ako.’’

“Opo.’’

Lumabas na si Juan at nagtungo sa opis niya.

Pero maya-maya ay bigla siyang may naalala. Nalimutan niyang itanong ang pangalan ng babae.

Nagbalik siya sa kuwarto.

Itinulak ang pinto. Eksaktong nagpapalit ng damit ang babae.

(Itutuloy)

 

Show comments