^

Punto Mo

Narco-politics!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nakakaalarma ang ulat ng PDEA at maging ng PNP tungkol sa pagtaas ng bilang ng mga government officials na nasasangkot sa droga.

Base kasi sa record, sa 190 na naaresto noong nakaraang taon, 56 sa mga ito ay halal na opisyal at 49 dito ay law enforcers.

Maging ang PNP-AIDSOTF, ay matagal na ring nagbabala sa mga botante patungkol sa pagkakasangkot ng ilang kandidato o tatakbo sa susunod na eleksyon sa narco-politics sa kanilang mga lugar.

Base sa kanilang record nasa 126 government officials at mga empleyado ng gobyerno ang nadakip dahil sa illegal drug-related offenses simula noong Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon.

Hindi malayong ang perang kinikita dito ay magamit sa gagawing pangangampanya.

Mukhang ito raw ang pinakamabilis na paraan o pwedeng pagkunan ng pondo ng ilang mga nagnanais na tumakbo sa halalan.

Mismong ilan sa mga nadakip ang umamin na nagawa nilang masangkot sa ilegal na droga para dito kumuha ng pondo na gagamitin sa kanilang kampanya.

Malaking bilang ng mga opisyal ng pamahalaan sa lebel ng barangay ang karamihan sa mga nadakip.

Sila na dapat sana ay sumawata o magbantay para sa kapakanan ng kanilang mga nasasakupan, eh sila pa pala ang siyang dahilan para mapariwara  ang marami sa kanilang mga constituent.

Eto pa ha, aabot na umano sa 11,000 barangay sa bansa ang itinuturing ng drug-affected areas na ito ay mas lalong nakakaalarma.

ANG

ENERO

ETO

HUNYO

KANILANG

MALAKING

MGA

MISMONG

MUKHANG

NAKAKAALARMA

SILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with