Mga Bagay na Dapat mo nang Itigil

Tumigil ka sa pagbabalewala sa maliliit na bagay. Minsan walang pumapansin sa fried dilis na nakahain sa mesa. Pagkaraan ng maghapon ay may isang tumikim sa dilis. Aba, hindi lang pala ito simpleng pritong dilis, kundi may masarap na timpla. ‘Yun manamis-namis na maanghang. Ganoon din sa tunay na buhay, kung ano o sino ang minamaliit, iyon pala ang magiging kapakipakinabang sa iyo.

Tigilan na ang kaiilusyon na maperpekto mo ang iyong buhay. No one is perfect!

Tigilan na ang paghanap sa “short cut” na daan. Mabato at mahaba ang daan tungo sa malaking tagumpay.  Ikaw din, “pucho-pucho” (small time success) lang ang nakakamtan sa short cut na daan.

Tigilan na ang pagkukunwari na “okey lang ang lahat” kahit hindi. Magpakatotoo ka. Kung nabigo at nasaktan, umiyak ka kung ito ang makapagpapaluwag ng kalooban.

Itigil na ang paninisi sa ibang tao. Nabigo ka dahil kasalanan mo.

You cannot please everybody kaya tigilan na ang pagta-trying hard na maging Miss Friendship sa lahat ng tao.

Wakasan na ang katamaran.

Tumigil na sa pag-iisip tungkol sa mga bagay na ayaw mong mangyari. Lalo mong iniisip, lalo iyong magkakaroon ng katuparan.

Tigilan na ang pagiging walang utang na loob. Ang hindi marunong tumingin sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.

Tigilan na ang pagtatanim ng galit. Ikaw din, sakit sa puso at cancer ang aanihin mo.

Show comments