^

Punto Mo

Sir Juan (3)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SA tingin ni Juan ay nagsasabi naman ng totoo ang maganda at seksing estudyante na dumating at nag-inquire para ma-ging boarder. Sa palagay ni Juan ay 17 o 18 anyos ang estudyante.

Sa maliit na opisina niya sa ground floor ki­nausap ang estudyante. Mula nang mamatay ang kanyang inang si Aling Encar, nagpagawa siya ng opisina para pormal ang pagtanggap ng mga student boards. Dati, ki­nakausap lamang ng kanyang ina sa salas ang mga nag-iinquire.

“Puwede po ba akong makiusap na sa susunod na linggo ko ibibigay ang deposit?’’ sabi ng babae.

“Puwede kong malaman kung bakit?”

“Kasi po na-stroke si Itay sa probinsiya at ang pagbayad ko sa boarding house ay nagastos sa ospital, Katunayan po nasa ospital pa siya. Si Itay lamang po ang inaasahan namin.’’

“Wala ka nang kapatid?’’

“Meron po. Panganay po ako. Nasa high school po ang bunso.’’

Pumayag si Juan. Wala na siyang kuskos-balungos. Basta kailangang masunod niya ang utos ng ina na tumulong sa mga estud-yanteng babae na kinakapos sa buhay.

“Sige makakatira ka na rito. Umakyat ka na sa second floor.’’

“Salamat po. Maraming salamat.’’

“Sige. Akyat ka na at ayusin ang higaan. May makakasama ka na roon.’’

“Ano po ang pangalan mo?’’

“Sir Juan na lang.’’
“Salamat po Sir Juan.’’

Umalis na ang babae.

Sinundan ng tingin ni Juan ang babae. Kawawa naman si Seksi kung hindi tutulungan.

SA gabi ay nag-iisip si Juan. Nagkakaedad na siya. Next month ay 45 years old na siya. Matandang tinale na. Iniisip niya ang kinabukasan. Tatanda kaya siya na walang ma­kakasama sa buhay. Torpe kasi siya sa babae.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

AKYAT

ALING ENCAR

ANG

ANO

DATI

PUWEDE

SI ITAY

SIGE

SIR JUAN

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with