Ang espesyal na kasalan

NOONG nabubuhay pa si Mother Theresa ay may bagong kasal na lumapit sa kanya at nagbigay ng malaking halaga ng pera upang gamitin sa pagpapakain sa mahihirap. Sa Calcutta, 9,000 tao ang pinakakain araw-araw ng grupo ni Mother Theresa. Sinabi ng mag-asawa na nais nilang makatulong sa pagpapakain ng mahihirap.

Tanong ni Mother Theresa sa mag-asawa, “Saan galing ang napakalaking halagang ito?”

“Last week po ay ikinasal kami ngunit ipinasya naming gawing  simple na lang kasalan—sa halip na magsuot ng damit pangkasal ay casual na lang na damit ang aming isinuot at wala nang handaan. Gusto naming ibigay sa inyo ang perang dapat na gagastusin namin sa kasalan upang makatulong kami sa mahihirap.”

Ang bagong kasal ay mula sa mayamang pamilya. Malaking eskandalo sa mayayamang Hindus ang kasalang walang handaan at hindi nakasuot ng nararapat na damit-pangkasal. Ang totoo, isang malaking kalokohan para sa mga kamag-anak at kaibigan ang ginawang desisyon ng mag-asawa.

“Bakit ninyo ginawa ang pagsasakripisyong ito?” buong pagtatakang tanong ni Mother Theresa.

“Mahal na mahal po namin ang isa’t isa at gustong gumawa ng espesyal na sakripisyo sa umpisa pa lang ng aming buhay-may-asawa. Naniniwala kami na lalo itong makakapagpatatag ng aming pagsasama.”

 

             

Show comments