^

Punto Mo

‘Magaling na ako!’

- Tony Calvento - Pang-masa

NAGKALAT na sa internet at patuloy pang kumakalat ang kanyang mga hirit kapag nagsasalita sa Senado. Kilala siyang palaban at ito ang gustung-gusto ng mga kabataan. Ganito kilala si Senator Miriam Defensor-Santiago.

“Pinagpapaskil ninyo ang mga pagmumukha ninyo sa EDSA! Ang papangit nyo!” isa sa komento ni Sen. Santiago.

Ito ay patungkol sa mga pulitikong kaliwa’t kanan ang malalaking tarpaulin na nagkalat sa iba’t-ibang lugar.

Gagawa ng isang proyekto at pipintahan ng kanilang mukha na ito daw ay mula sa kanila kahit pa sa taong bayan naman nanggaling ang perang pinampagawa nito.

Naging basehan niya ito upang maghain ng batas tungkol dito ang ‘Anti-Epal Bill’.

“Kapag tumataas ang posisyon mo sa gobyerno, lumiliit ang balls mo,” konklusiyon pa ni Sen. Santiago matapos mapansin na ang mga may mababang pwesto sa Gobyerno ay naglalaro ng basketball. Ang mga nasa ‘mid-level positions’ ay naglalaro ng bowling at ang matataas ang posisyon ay naglalaro ng Golf.

Idinadaan natin sa biro ang pagtanggap sa kanyang sinasabi pero may punto ang mga ito.

Maraming balita na ang nagsabing tatakbo sa pangka-Pangulo si Sen. Santiago. Noong nagkaroon siya ng ‘book signing’ sa Makati ay sinabi niyang maghahain siya ng kanyang Certificate of Candidacy ngayong linggo.

Ibinalita niya noon na nagkaroon siya ng Cancer ngunit magaling na siya ngayon kaya’t wala na siyang aalalahanin.

Magaling na nga ba si Sen. Santiago? Oo magaling si Sen. Miriam. Dati na siyang napa-kagaling at matalino.

Siya na nagsilbi sa halos lahat ng sangay ng Gobyerno, Judicial, Executive at Legislative.

Laureate ng Ramon Magsaysay Award nung 1988. Noong 1997 ay pinangalanan siya bilang isa sa 100 Most Powerful Woman in the World ng The Australian Magazine.

Taong 2012 nang maging kauna-unahang Pilipina at unang Asyano na nahalal bilang Judge ng International Criminal Court.

Nakapagsulat na din siya ng ilang libro at tatlong termino nang nagserbisyo sa Senado.

Ilang mga kurakot na pulitiko na din ang kanyang binatikos.

Nung tumakbo siya bilang Presidente noong 1992 at muntik nang manalo. Kitang-kita naman sa kanyang mga komento at sinasabi sa bawat pagdinig na siya ang pwedeng kumopo ng mga kabataan.

Tatlumpu’t-pitong posiyento(37%) sa 52 Milyong rehistradong botante ay mga kabataan at mga nasa edad labing walo hanggang trenta anyos.

Bago pa man siya nagkasakit umiikot na siya sa mga ‘school campuses’ at ang kanyang mga hirit ay kwela ang dating sa mga kabataan.

“Anong tawag ‘pag nagtapon ka ng basura sa dagat? Sagot: Pollution. Ano naman ang tawag kapag tinapon mo sa dagat ang mga pulitikong kurakot? Sagot: Solution” minsang komento niya tungkol sa pork barrel.

Ulit ang tanong, Magaling nga ba si Miriam Santiago?

Sagot kong muli dati na siyang magaling. Ang pinagtatalunan lang ditto ay kung kakayanin niya ba ang anim na taong panunungkulan? Kakayanin ba ng kanyang blood pressure at lahat ng kunsumisyon at ‘pressure’ at ibang makukulit na mga pulitiko?

Ang pagiging Presidente ay hindi lang yan isang buhos na kapag nanalo ka sa eleksiyon sa Mayo 2016 ay okay na. Kailangan mong manungkulan ng anim na taon ng iyong termino.

Ang gabundok na problema ng ating bansa at ang pagpapaunlad nito ang kailangang tutukan.

Ganun pa man hindi natin dapat maliitin ang kakayanan ni Sen. Santiago sapagkat dala niya ang boto ng mga kabataang kumakagat sa kanyang mga pahaging na biro ngunit may mga tinatamaan.

Hmmm…parang nagiging ‘interesting’ ang labanan sa 2016.

PARA SA ANUMANG REAKSIYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANTI-EPAL BILL

AUSTRALIAN MAGAZINE

CERTIFICATE OF CANDIDACY

GOBYERNO

KANYANG

MGA

SAGOT

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with