SI Samuel Ledward ng Gwernafiled, Flintshire ang itinuturing na pinakamatandang lalaki sa Britain sa edad na 108. Pero yumao rin si Ledward noong nakaraang Martes. Naulila niya ang kanyang anak na si David at apong si Simon. Ang kanyang asawa ay namayapa 22 taon na ang nakalilipas. Ipinanganak si Ledward sa Winsford, Cheshire noong 1906, subalit lumipat sa Flintshire noong 1995. Dati siyang gumagawa ng mga cabinet at taga-katay ng baka. Mahilig siyang mag-travel at mag-garden.
Kapag tinatanong si Ledward kung ano ang sekreto ng kanyang mahabang buhay, sabi niya dahil daw sa masarap at masustansiyang pagkain at dahil sa isang alertong nurse na nagsalba sa kanyang buhay noong siya ay 29-anyos. Kung hindi raw sa nurse na iyon, matagal na siyang patay.
Ayon kay Ledward, dineklara na siyang patay ng paramedics na dumalo sa kanya makaraan ang aksidente niya sa motorsiklo kung saan sumabog ang unahang gulong nito. Noon ay 1936.
Habang siya raw ay dinadala na sa morgue, napansin ng nurse na gu-malaw ang kanyang braso.
Madali siyang ibinalik sa hospital room at nasagip ang kanyang buhay ng mga doctor. Ilang buwan ang inilagi niya sa ospital bago gumaling. Ikalawang buhay niya iyon. Hanggang umabot siya sa edad 108.