^

Punto Mo

Sampaguita

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HANDA na ang lahat para sa kasal nina Sampaguita at Ram. Naisaayos na ang mga susuutin, imbitasyon at iba pa. Ang isusuot ni Sam ay katulad ng kay Snow White. Ibabagay sa tema ng bubuksang ENGKANTASYA. Ang isusuot naman ni Ram ay parang sa isang prinsipe. Ganundin naman halos ang suot ng mga abay at iba pa. Lahat nang gastos sa damit ay sagot ni Sir Manuel.

Sa pampang ng sapa na paboritong pagliguan nina Sam at Ram idaraos ang seremonya. Nagmistulang hardin ang pali-gid ng sapa sapagkat tinaniman iyon ng mga namumulaklak na halaman. Pinanatili naman ang mga punong kahoy doon. Lalo nang naging malinaw ang tubig sa sapa sapagkat hinukay iyon para lalong maging kaakit-akit. Nilagyan din ng isang magandang tulay na katulad na katulad nang makikita sa mga fairy tale stories.

Inaasahan na maraming tao ang makakasaksi sa kasal sapagkat inagurasyon nga ng ENGKANTASYA. Halos lahat ng mga taga-barangay at siguradong dadagsa sa inagurasyon. Dahil nakalathala sa diyaryo ang inagurasyon, tiyak na pati ang mga karatig barangay at bayan ay magtutungo sa ENGKANTASYA.

Masayang-masaya si Sam at Ram. Matutupad na rin ang kanilang inaasam.

“Ram, ano kaya ang sorpresa sa atin ni Sir Manuel?’’

“Nasasabik nga ako kung ano ‘yun. Sa palagay mo regalo sa atin?’’

“Siguro.’’

Isang araw bago ang hinihintay na kasal, nag-uusap sina Sir Manuel, Sam, Ram at Lola Rosa sa salas nang may duma-ting na dalawang tao.

“Ako na ang sasalubong,” sabi ni Sir Manuel. “Baka bisita ko ang mga’yan.’’

Lumabas si Sir Manuel. Nagkatinginan sina Sam, Ram at Lola Rosa.

Makalipas ang ilang minuto, tinawag ni Sir Manuel si Sam.

“Sam, halika at may ipakikilala ako sa iyo.’’

Nagmamadaling lumabas si Sam. Sumunod si Ram at Lola Rosa.

Ganun na lamang ang pag-kabigla ni Sam nang makita kung sino ang dumating. Ang kanyang mga magulang!

“Mama! Papa!” Sabi niya at lumapit sa mga ito at umiiyak na yumakap. Umiyak din ang ama at ina.

“Patawarin mo kami Sam,” sabi ng kanyang mama. “Nagsisi na kami. Salamat kay Sir Manuel at hinanap kami. Siya ang gumawa ng paraan kami muling magkapatawaran ng papa mo.’’

Umiyak nang umiyak si Sam. Pero iyon ay iyak ng kasiyahan. Natupad ang wish niya na makasama ang papa at mama niya sa araw ng kanyang kasal!

At ang maganda pang bali­ta, ipamamana ni Sir Manuel sa kanilang dalawa ni Ram ang ENGKANTASYA. (Wakas)

(Abangan bukas ang isa pang kapana-panabik na nobela ni Ronnie M. Halos na iginuhit ni Nilo Comoda.)

ACIRC

ANG

LOLA ROSA

MANUEL

MGA

NILO COMODA

RAM

RONNIE M

SAM

SIR

SIR MANUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with