^

Punto Mo

Nuisance candidates

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NAGIGING katatawanan ang eleksiyon sa bansa dahil sa pagsali ng ilang kababayan na hindi naman seryoso sa pagsabak sa eleksiyon.

Mayroong mga naghain ng kandidatura bilang presidente na dati nang idineklarang nuisance candidate subalit bakit kailangan pa ito na muling payagan ng Comelec.

Dapat kapag naideklara na noon pa na panggulo lamang sa eleksiyon ay hindi na ito pinapayagang makatuntong sa Comelec para mag-file ng certificate of candidacy (CoC).

Samantalang mayroon din namnan na gusto lang makigulo at makisaya sa eleksiyon kaya naghahain ng kandidatura.

Dapat sa umpisa pa lang, hindi na pinahihintulutan na mag-file ng CoC ang mga hindi naman seryosong kandidato tulad na lang ng nagpakilalang taxi driver, tricycle driver at iba pa nagbibigay ng katatawanan sa eleksiyon sa bansa.

Ayaw daw ng Comelec na circus sa paghahain ng CoC pero bakit pinayagan na maghain ang ilan na ng kandidatura na bukod sa hindi seryoso ay malinaw naman na walang kakayahang makapunta sa iba’t ibang panig ng bansa upang makapagkampanya.

May ilan din na kaya kumandidato ay para mabanggit lang sa media ang kanilang pangalan at mapag-usapan kahit pa madiskuwalipika.

Sana sa susunod na eleksiyon ay magbigay na ng mga panun­tunan ang Comelec sa mga maghahain ng CoC bagama’t ang kuwalipikasyon sa Saligang Batas ay ang pagiging natural born Filipino at may 10 taon nang naninirahan sa bansa.

Mayroon namang kandidatong independent pero may kakayahan naman na makapunta sa buong bansa.

Sana, wakasan na ang mga kakatawanan sa paghahain ng COC at ito ay seryosohin dahil seryoso ang maraming problema ng sambayanan.

ACIRC

ANG

AYAW

COMELEC

DAPAT

ELEKSIYON

MAYROON

MAYROONG

SALIGANG BATAS

SAMANTALANG

SANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with