^

Punto Mo

Bombay!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Sa kanyang pag-iikot sa mga pasugalan, putahan, beerhouse at iba pang pagkakitaan sa Quezon City, bukambibig ni Ernie de la Cruz, alyas Bombay, na taga-Toro siya. At matindi pala ang bangis ni De la Cruz, dahil umaabot pa sa Baguio City ang kamandag niya. Pero sinisiguro ng mga kosa ko na hindi kolektor ni Quezon City Police District (QCPD) director Chief Supt. Edgardo Tinio si De la Cruz. Kasi nga, naglayasan na ang mga datihang tong kolektor sa QCPD at mukhang naliitan si Tinio sa take home pay na P1.1 milyon weekly. Punyeta! Ano ba ‘yan?

* * *

Kung mabangis si alyas Bombay sa Quezon City, aba sobrang makamandag naman itong si Lito Guerra alyas Bombay dahil buong bansa ang sakop niya. Sinabi ng mga kosa ko na itong si Guerra pala ay halos nakatira na sa Camp Crame at nagdidikta pa sa mga police officials tungkol sa pagkaperahan. At siyempre, palaging bukambibig ni Guerra ang pangalan ni PNP chief Dir. Gen. Ric Marquez kaya’t walang gustong kumalaban sa kanya. Totoo kaya ang balita ng mga kosa ko na si Guerra ay natutulog na sa lumang White House sa Camp Crame? Ang lumang White House kasi mga kosa ay ang dating opisyal ng tirahan ng Chief PNP at may tatlong kuwarto doon kung saan naka-reserve kay Guerra at mga security aide ni Marquez. Punyeta! Papayag kaya si Marquez na yuyurakan lang ni Guerra, hindi lang ang pangalan niya, kundi maging ang imahe ng PNP?

Maaring akusahan n’yo ako mga kosa na parang sirang plaka, subalit uulit-ulitin ko na si Guerra ay dating tong kolektor ni Marquez noong nasa PRO1 pa siya. Kung labas-masok man si Guerra sa mga opisina sa Camp Crame, lalo na sa Permit to Carry Firearms (PTC), dahil wala namang opisyal ng PNP na puwedeng humarang sa kanya. Maliban kasi kay alyas Piskal, si Guerra lang ang puwedeng makapagbulong kay Marquez tungkol sa mga problema ng bawat opisina sa Camp Crame. Ang ibig sabihin ng mga kosa ko, kapag hindi kaya ni Piskal na bumulong, puwedeng pang-fallback si Guerra. Kaya kung gusto ng mga police officials na sumipsip kay Marquez, ang kailangan nilang kakaibiganin ay sina Piskal at Bombay, di ba mga kosa? Punyeta! Wala din namang pagbabago ang PNP natin sa liderato ni Marquez dahil sa mga galaw nina Bombay at Piskal, di ba mga kosa? Tumpak!

Sinabi pa ng mga kausap ko na may standing order si Marquez nang maupo siya sa trono ng PNP, na h‘wag pumasok sa kanyang opisina si Guerra. Sa totoo lang, kapag sumulpot kasi si Guerra sa opisina ni Marquez sa main building ng PNP sa Camp Crame, ang iisipin kaagad ng mga nakakita sa kanya ay aktibo pa rin siya sa tong collection activities, di ba mga kosa? Kaya’t hanggang ngayon, hindi pa nasisilayan ng mga kosa ko si Guerra sa opis ni Marquez. Boom Panes! Hehehe! Weder-weder lang ‘yan! Tumpak!

Subalit dapat imbestigahan ni Marquez ang balitang kaya pala nagpa-doble ng lingguhang intelihensiya ang mga regional director ng PNP, lalo na si Atty. Gerry Asuncion, ang bagman ni Calabarzon police director Chief Supt. Richard Albano, sa players ay dahil sa pasimpleng kuha nina Guerra at Piskal. Piniprisinta nina Piskal at Guerra ang kani-kanilang sarili bilang tong collector, at hindi lang ang para sa RD ang kinukuha nila, kundi maging ang opisina ni Marquez, anang mga kosa ko. Sayang din naman ang grasya, di ba mga kosa? Kapag nabuwag ni Marquez ang raket nina Guerra at Piskal, saka na ako maniniwala na hindi siya kasabwat sa pailalim na lakad ng dalawang bata niya. Punyeta! Walang lihim na di nabubulgar sa panahon ngayon ng hi-tech gadgets, di ba mga kosa? Abangan!

ANG

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CRUZ

GUERRA

KOSA

MARQUEZ

MGA

PISKAL

PNP

PUNYETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with