LAHAT nang tao ay humahatsing. Maituturing na abnormal ang taong hindi nakararanas humatsing.
Subalit kakaiba naman ang kaso ni Katelyn Thornley, 12, isang seventh grade student sa Angleton, Texas na wala nang ginawa sa maghapon kundi ang humatsing nang humatsing.
Si Katelyn ay nagdaranas ng isang hindi matukoy na condition na dahilan para siya humatsing nang humatsing at umaabot iyon ng 12,000 beses.
Dahil sa nararanasang condition, hindi na ma-enjoy ni Katelyn ang kanyang normal na kabataan. Hindiy niya magawang makihalubilo sa kanyang mga kaklase at kalaro sapagkat hatsing siya nang hatsing.
Nagsimula ang mysterious ailment ni Katelyn, may tatlong linggo na ang nakararaan. Katatapos lamang niya noon ng kanyang clarinet lesson nang magsimula siyang maghatsing. Sa simula ay mahina lamang. Pero nagsunud-sunod na ang paghatsing.
Ayon kay Katelyn, naisip niyang allergic lamang siya sa mga bagay na nasa paligid. Pero nang mag-20 hatsing ang nagawa niya sa isang minuto, naalarma na siya.
Ayon pa kay Katelyn, dahil sa paghatsing, sumasakit ang kanyang tiyan at binti at nahihirapan siyang kumain.
Babae na pangarap maging bulag, natupad ang wish!
MAYROONG mga tao na pinapangarap na sila ay magkaroon ng kapansanan – halimbawa ay maging bulag. Ang kondisyon na ito ay tinatawag na Body Integrity Identity Disorder (BIID). Isa itong serious psychological condition.
Ganito ang kaso ng isang malusog na babae sa North Carolina na mula pa sa pagkabata ay pangarap nang maging bulag. Siya si Jewel Shuping, 30.
Natupad ang pangarap ni Jewel na maging bulag makaraang patakan niya ng drain cleaner ang kanyang mga mata. Sa isang iglap, nabulag siya.
Ayon kay Jewel, tatlong taong gulang pa lamang ay obsessed na siya na maging bulag. Natatandaan niya, nakikita siya ng kanyang ina na naglalakad sa koridor kung gabi at umaaktong bulag. Nang siya ay mag-edad anim, inisip na niyang sana ay bulag na nga siya. Nag-isip na siya nang paraan kung paano mabubulag. Naisip niyang tumingin nang deretso sa araw para mabulag. Ilang oras daw siyang tumititig sa araw para mabulag.
Habang nagkakaedad, lalong tumitindi ang kanyang obsession na maging bulag. Hanggang sa pag-aralan na niya ang ginagawa ng bulag. Nagsuot na siya ng makapal na sunglasses na parang bulag. Gumamit siya ng cane habang palakad-lakad at nag-aral na rin siya ng braille. Naging fluent siya sa braille.
Nang mapagparalan ang lahat, binulag niya ang sarili.