^

Punto Mo

Sampaguita (180)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MERON kang alam na magandang lugar, Sam?’’ Tanong ni Sir Manuel.

“Opo. Napakaganda po, Sir Manuel.  Ang hindi ko lang po alam ay kung ipinagbibili iyon.’’

“Kanino kaya natin maaa-ring ipagtanong kung ipinagbibili ang lupa?’’

“Itatanong ko po kay Lola Rosa kung mayroon siyang alam ukol doon.’’

Eksakto naman ang pagpasok ni Lola Rosa na may dalang pagkain para kay Sir Manuel.

Tinanong siya ni Sam.

“Lola mayroon ka bang alam kung sino ang may-ari ng lupang kinaroroonan ng sapa? Yung sapa na pinaliliguan ko noon.’’

“Ah yung magandang sapa na nakagagamot ang tubig?’’

“Opo.’’

“Sa isang mayamang taga-San Pablo ang lupang iyan. Ang alam ko, ipinagbibili yan noon. Pero wala yatang bumili dahil malayo raw sa bayan. Hindi ko lang alam kung hanggang ngayon ay pinagbibili pa.’’

“Ano pong pangalan ng may-ari Lola?” Tanong ni Ram.

“Teka at iisipin ko,” nag-isip si Lola. Pilit hinahagilap sa isip ang pangalan ng may-ari. Hanggang sa maalala. “Si Don Avelino Buenviaje. Siya ang may-ari!”

Biglang sumabat si Sir Manuel.

“Don Avelino Buenviaje? Baka siya ang dati kong kaeskuwela sa kolehiyo noon. May kaklase akong mula sa Laguna pero hindi ko alam ang lugar. Basta ang alam ko, maykaya sila – may malaking taniman ng lansones, kasoy, cacao at niyog. Mayroon din silang pagawaan ng masarap na espasol.’’

“Siya nga po iyon Sir Ma­nuel. Mayroon nga pong pagawaan ng espasol si Don Avelino,” sabi ni Lola Rosa.

“Kung ganun ay hindi ako mahihirapang bilihin ang kanyang lupa. Ako na mismo ang kakausap sa kanya. Ipahahanap ko ang kanyang tanggapan. Sa pagkaalam ko mayroon siyang office sa Makati. Mayaman din ang taong iyon.’’

“Palagay ko po ay ipagbibili sa iyo ang lupa,” sabi ni Sam.

“Puwede n’yo ba akong   sa­mahan para makita ang lugar at kung gaano kalawak?’’

“Opo!” sabi ni Sam.

Pagkakain ng lunch ay nagtungo silang tatlo sa sapa. Hangang-hanga si Sir Manuel sa nakitang lugar.

“Napakaganda! Ang lugar na ito ang hinahanap ko noon pa. Tamang-tama ito sa naisip kong park.’’ (Itutuloy)

ACIRC

ALAM

ANG

DON AVELINO

DON AVELINO BUENVIAJE

KUNG

LOLA

LOLA ROSA

MAYROON

OPO

SIR MANUEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with