^

Punto Mo

EDITORYAL – Smuggler ng Thai sugar kailan kakasuhan?

Pang-masa

ANG Bureau of Customs ang nagsabi na smuggled ang 64 containers ng asukal mula Thailand na kanilang nasabat. Umano’y sa isang nagngangalang Philip Sy ang kargamento. Ang kargamentong iyon ang inaarbor umano ni dating Land Transportation Office (LTO) chief Virginia Reyes Torres. Nagtungo si Torres sa Customs at binanggit ang pangalan ni P-Noy para mailabas ang kargamento. Gagamitin daw ang proceeds sa election. Hindi nakumbinsi ang Customs.

Ang nakapagtataka, bakit hanggang ngayon ay hindi pa sinasampahan ng kaso si Sy? Nasaan ang taong ito? Ano na rin ang hakbang kay Torres?

Sa nangyayaring ito sa Customs, nagpapakita lamang na wala pa ring pagbabago sa Customs. Kung gaano kabulok noon, ganito pa rin ngayon. Hindi masisisi si President Aquino kung harap-harapang pagsalitaan ang mga namumuno sa Customs.

Sa SONA ni P-Noy noong Hulyo 22, 2013, sinabi niya sa mga taga-Customs: “Para namang nakikipagtagisan sa kapalpakan itong Bureau of Customs. Imbes na maningil ng tamang buwis at pigilan ang kontrabando, parang walang pakundangan ang pagpapalusot nila ng kalakal, pati na ng ilegal na droga, armas, at iba pa sa ating teritoryo. Tinataya nga po ng Department of Finance na mahigit 200 billion pesos ang kita na dumudulas lang at hindi napupunta sa kaban ng bayan. Saan po kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang mga kawani sa ahensyang ito?”

Makalipas ang ilang buwan, nagbitiw si Customs Commissioner Ruffy Biazon at ipinalit si Customs Commissioner John Sevilla.  Umaasa na sa bagong mamumuno ay magkakaroon ng pagbabago sa panunungkulan ni Sevilla. Pero wala ring nangyari sa panahon ni Sevilla sapagkat pati basurang toxic ay nakalusot sa Customs at itinapon sa Tarlac. Pagkaraan ng dalawang taong pamumuno sa Customs, nagbitiw si Sevilla. Pinalitan naman siya ni Customs Commissioner Bert Lina.

Pero wala ring pagbabago sa pamumuno ni Lina na ang inaasikaso ay kung paano hahalungkatin ang balikbayan box. May mga kontrabandong nasasabat gaya ng Thai sugar pero hindi naman nakakasuhan ang mga smuggler nito. Pawang banta lang ang Customs at nagsasawa na ang taumbayan sa ganitong senaryo.

ANG

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER BERT LINA

CUSTOMS COMMISSIONER JOHN SEVILLA

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DEPARTMENT OF FINANCE

LAND TRANSPORTATION OFFICE

P-NOY

PERO

SEVILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with