“MAGANDANG umaga po Sir Manuel,’’ bati ni Sampaguita. ‘‘Kanina ka pa po ba?’’
“Mga 30 minutes na.’’
‘‘Hindi ka po nag-text o tumawag sa akin na pupunta para nakapaghanda.’’
‘‘Kaya nga hindi ako nagsabi sa inyo para hindi na kayo maabala. Ayaw kong makaabala. Kung ano ang maratnan ko rito, okey lang sa akin.’’
Humanga si Sam at Ram sa matanda. Kung sino pa ang mayaman ay siyang mapagkumbaba. Sana ganito lahat ang mga mayayaman.
“Ano po ang dahilan at bigla kang nagtungo rito Sir Manuel.’’
“Maraming dahilan, una, gusto kong malaman kung kailan ang balak n’yong petsa na magpakasal at ikalawa gusto kong bumili ng pro-perty dito. Sa pagreresearch ko, napakaganda ng lugar na ito. Gusto ko sana magtayo ng isang park na puwedeng pasyalan ng mga tao.’’
‘‘Park po? Para pong katulad ng Enchanted Kingdom?’’
‘‘Exactly. Pero ang gusto ko sana ay yung lugar na may sapa para maging natural na natural ang papasyalan ng mga tao. Actually, matagal ko nang pangarap na makagawa ng ganoong park kaya lang ay hindi ko nai-pursue dahil nga sa nangyari kay Ylang-Ylang. Pero ngayong wala nang problema, siguro’y panahon na para ituloy ang plano.’’
Hindi makapagsalita sina Ram at Sam. Kanina lamang, pinag-uusapan nila na sana ay may taong mag-invest sa lugar nila. Si Sir Manuel pala ang taong iyon.
‘‘Mayroon ka bang alam dito, Sampaguita na isang malaking lugar na puwedeng park? Kahit magkano bibilihin ko. Walang problema sa presyo.’’
“Meron po Sir Manuel. Tamang-tama po sa naiisip mong park!’’ (Itutuloy)