KAPANSIN-PANSIN ang mga nagkalat na tent outpost sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Mga kubol na bukas 24/7, binabantayan ng mga umano’y recruit ni Konsehal Ranulfo Ludovica na resulta ng ipinasang Quezon City ordinance 2307 o pagsasagawa ng citizen’s arrest na siya rin ang may akda.
Maganda ang layunin ng nasabing ordinansa, subalit, nagdulot ito ng samu’t saring negatibong reaksyon at persepsyon sa social media, sa mga text messages maging sa mga otoridad.
Sa tapat ng mga tent, kapansin-pansin ang mga nakaparadang sasakyan ni Ludovica kung saan namamaga na ang kanyang mukha.
Ang mga nagbabantay naman sa mga kubol na mga anti-crime volunteers kuno, garapalang ipinangangalandakan sa kanilang mga Facebook page ang mga high-powered automatic assault weapons.
Ayon sa Firearms and Explosive Division (FED) ng Philippine National Police (PNP), hindi pwedeng bitbitin at hindi puwedeng magkaroon ng mga automatic assault weapon ang mga sibilyan, volunteer man o pribadong indibidwal na gustong magsagawa ng citizen’s arrest. Tanging mga militar at pulis lang daw ang may karapatan at otorisadong gumamit nito.
Kuwestyunable at ilegal naman ang pamamaraan ng pagpapatupad ng Quezon City ordinance 2307 o ang kanilang pamamaraan ng citizen’s arrest, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).
Panoorin mamaya sa bitagtheoriginal.com ang mainit na eksena sa pagitan ni BITAG at ni Ludovica na muntik nang mauwi sa pisikal na komprontasyon habang nasa tanggapan ng vice mayor.
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.