Sampaguita (178)

HABANG magkaya­kap, hinalikan ni Ram si Sam sa labi. Hindi tumanggi si Sam. Ilang saglit pa at nagbaga na pareho ang kanilang mga labi. Iyon ang unang pagkakataon na naging malaya silang dalawa. Wala na silang kinatatakutan at pinangingilagan. Wala nang anumang hadlang sa kanilang pagmamahalan. Pagkaraan nang maraming pinagdaanan, sila pa rin sa dakong huli ang magkakasama habambuhay.

Pero hindi pa rin sila ganap na nagpatangay sa ipuipo ng kasabikan. Hindi rin naman nila sisirain ang pagtitiwala ni Lola Rosa na naniniwala pa ring pagkatapos ng kasal magaganap ang totoong ritwal. Hindi sila lalampas sa hangganan. Gusto nila, nasa ayos ang lahat.

Naghabol sila ng hininga pagkaraang magkadikit nang matagal ang kanilang mga labi. Kapwa sila suminghap.

Pagkaraan ay nagtawanan sila.

Kumalas sa pagkakayakap si Ram at biglang lumubog sa hanggang dibdib na tubig. Nawala si Ram.

Hanggang sa maramdaman ni Sam na may huma­wak kanyang kanang binti. Nagtatalon si Sam. Nakiliti siya. Pilyo talaga si Sam. Hanggang sa maramdaman niyang gumagapang ang kamay ni Ram sa kanyang hita. At humantong sa kanyang iniingatang “hiyas”.

“Ram! Ram! Ano ba?’’

Hanggang biglang lumutang si Ram.

Nagtatawa ito.

“Pilyo ka Ram!”’

Patuloy sa pagtatawa si Ram.

Pagkaraan nang mahigit isang oras na paglulunoy sa sapa, umahon na sila. Baka hinihintay na sila ni Lola Rosa sa bahay.

Nang makapagbihis ay umalis na sila.

Nang nakalayo na sila ay muling nilingon ni Ram ang pinanggalingan.

“Napakaganda ng lugar na ito. Ano kaya at may taong bilhin ang lugar na ito at gawing resort?”

“Sino naman ang mag-iinvest e malayo ang lugar na ito?’’

“Malay mo may makagusto rito.’’

“Kailangan ay mayaman na mayaman ano?’’

Nang dumating sila sa bahay ni Lola Rosa, mayroon palang naghihintay na bisita --- si Sir Manuel!

(Itutuloy)

Show comments