Paano nakaaapekto ang relihiyon sa ating ‘mental health’?

ANG mga paring Espanyol ang nagpakilala sa Pinoy ng Kristiyanismo. Ngunit sa kagustuhang tayo ay makontrol, politically and spiritually, ginawa nilang “scarecrow” ang Diyos. Magagalit ang Diyos kapag hindi ka nagsimba; magagalit ang Diyos kapag hindi ka nag-abuloy sa simbahan; magagalit ang Diyos kapag hindi ka nakinig sa sermon ng pari. Dulot nito, nagkaroon ng impresyon ang ibang tao na ang Diyos ay mapagparusa at magagalitin.

Sa isang anekdota ni Jose Rizal na nabasa ko sa isang librong ginamit namin sa Rizal course noong college, dumating sa puntong ipinapasara ng mga prayle ang pintuan ng simbahan habang nagsesermon  para walang makalabas. Ang nangyayari kasi, umaabot ng ilang oras ang pagsesermon para i-brain wash ang mga indio. Sa sobrang pagkainip, ang ilang parishioners ay umaalis na ng simbahan kahit hindi pa tapos ang misa.

Ayon sa isang professor ng psychology na nag-aaral tungkol sa koneksiyon ng relihiyon at mental health, ang pananampalataya ng isang tao ay nagdudulot ng double-edge sword. Puwedeng masama ang epekto, puwede rin positibo ang dulot nito sa isang tao. Nakakadama ng kapanatagan ng loob at bihirang makaranas ng depresyon kung ang persepsyon niya sa Diyos ay mabait, mapagmahal at mapagpatawad. Ngunit kung nananatili sa isipan na ang Diyos ay mapagparusa kagaya ng itinanim ng mga prayle sa utak ng mga tao noong unang panahon, dito papasok ang depresyon, guilt at kung ano-anong negatibong emosyon. Iisiping kaya siya inuulan ng problema ay dahil pinaparusahan siya ng Diyos. O, kaya, sisisihin ang Diyos sa masamang kapalaran na nararanasan.

Ang suhestiyon ni Dr. Andrew Newberg, neuroscientist sa Thomas Jefferson University and Hospital sa Philadelphia: Laging mag-meditate at umusal ng panalangin na may paulit-ulit na ‘phrases’. Ang halimbawa ng ganitong klaseng panalangin ay ang Holy Rosary o mantra ng mga Buddhist. May magandang epekto sa utak ang paulit-ulit na salita. Nakakasigla ito ng brain cells, tapos kukunekta sa emosyon na magdudulot ng pag-asa sa puso.

Faith is taking the first step even when you don’t see the whole staircase. Martin Luther King, Jr.
 

Show comments