^

Punto Mo

Sampaguita (168)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SINUBUKAN na ni Ram na pisilin ang palad nang natutulog na si Sampaguita. Ilang ulit niyang pinisil para magising ang dalaga. Pero walang epekto. Kinuha pa niya ang kaliwang palad at iyon ang pinisil-pisil para magbalik ang malay ni Sampaguita. Pero wala ring nangyari. Nanatiling himbing si Sam.

Hanggang sa maalala ni Ram ang ginawa niya noong akyatin ang bahay nina Sam sa Bgy. Susong Dalaga. Natutulog din si Sam noon. Ilang araw nang natutulog at maski ang lola nito na si Lola Rosa ay wala ring magawa sa pagkakahimbing ng apo. Balak na ngang dalhin sa ospital noon si Sam.

Ang ginawa ni Ram noon ay ginawaran ng halik si Sam. At makaraan niyang halikan ay nagising ang dalaga. Natatandaan niya ay parang naalimpungatan ito. Hindi alam na galing sa mahabang pagkakatulog.

Ang paraang iyon ang gagawin ni Ram ngayon. Kung noon ay nagising sa halik niya si Sam, tiyak na magigising din ito ngayon.

Walang inaksayang san-dali si Ram. Inilapit ang mukha kay Sam. Nasamyo niya ang bango ni Sam. Parang amoy sanggol. Hindi nagbabago ang samyo ni Sam. Maski yata maghapong nakabilad sa araw ay hindi nagbabago ang samyo ng katawan.

Inilapit pa niya ang mukha at bibig kay Sam. Hanggang sa lumapat ang kanyang labi sa maninipis na labi ni Sam. Napakalambot at napakainit ng labi ni Sam. Siya raw ang unang halik ni Sam noon. Naniniwala siya sapagkat maski ang labi ni Sam ay birhen na birhen pa. Wala pang nakaka­dampi. Maski ang baliw na si Levi ay hindi nahalikan si Sam. Talagang para sa kanya si Sam.

Idiniin ni Ram ang pag­halik sa malambot at manipis na labi ni Sam. Nakada­ma ng init si Ram. May nanulay na kuryente. Mala­kas ang daloy ng kuryente.

Hanggang maramdaman niya na nakikipaglaro na rin si Sam. Kumikilos na ang mga labi ni Sam.

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

HANGGANG

ILANG

INILAPIT

LOLA ROSA

MASKI

NIYA

PERO

RAM

SAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with