^

Punto Mo

Leni Robredo, malaki ang tsansa

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

KUNG totoong si Camarines Rep. Leni Robredo ang magiging katambal ni Mar Roxas sa 2016 elections, mas may tsansa itong manalo.

Inaasahang pakakainin ng alikabok ni Robredo ang mga makakalaban sa pagka-bise presidente tulad ni Sen. Chiz Escudero na puro daldal lang naman ang alam.

Wala akong nabalitaan na naging maganda ang performance ni Escudero bilang senador at lalo na noong ito ay siyam na taong kongresista. Sa katunayan, wala itong naipasang panukalang batas na popular sa publiko.

Kung magiging mapanuri lang ang mga botante, baka mas matino pa ang performance ni Sen. Lito Lapid. Maraming panukalang batas na naihain si Lapid na pabor sa pangkaraniwang mamamayan.

Magaling lang si Escudero sa mga panayam ng media at pagsakay sa mga maiinit na isyu sa bansa.

Bukod kay Escudero, napapabalitang si Sen. Bongbong Marcos ay posibleng kumandidato bilang bise presidente. Wala ring binatbat na mambabatas.

Kahapon ay ginunita ang pagdedeklara ng martial law ni President Marcos at hindi dapat malimutan ang mga karahasan at paglabag sa karapatang pantao.

Samantala, nabanggit ko na may malaking tsansa si Leni Robredo dahil sa magandang record at performance nito sa Kamara at lalo na ang kanyang yumaong mister na si dating DILG secretary Jessie Robredo na tiningala at hinangaan ng publiko matapos malantad ang pagiging simple at matinong pulitiko.

Malaki ang maitutulong ni Leni Robredo upang maingat ang kandidatura ni Roxas na ngayon ay nasa ikalawang puwesto na sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS).

ANG

BONGBONG MARCOS

CAMARINES REP

CHIZ ESCUDERO

JESSIE ROBREDO

LENI ROBREDO

LITO LAPID

MAR ROXAS

PRESIDENT MARCOS

SOCIAL WEATHER STATIONS

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with