^

Punto Mo

EDITORYAL – Ipaglaban ang FOI Bill

Pang-masa

SA pagdedeklara ng isang kandidato (lalo pa ang tatakbo sa mataas na posisyon) mahalaga na ang ibubukambibig ay ‘yung para sa kapakanan ng ikararami at hindi ‘yung para sa pansarili. Sa tatlong maglalaban para sa presidente sa 2016 --- Jejomar Binay, Mar Roxas at Grace Poe, ang huli pa lamang ang may binanggit na bagay na malapit sa kapakanan ng mamamayan at kanya raw ipaglalaban. Ang dalawang unang nagdeklara, wala pa.

Nang magdeklara si Senator Poe ng kandidatura sa pagka-presidente noong Miyerkules sa Bahay ng Alumni sa UP-Diliman Campus, binanggit agad niya ang tungkol sa Freedom of Information (FOI) Bill. Kailangan na raw maipasa ang panukalang batas. Ito raw ang magiging kalasag nang mamamayan para hindi manaig ang mga tiwali sa pamahalaan. Mabisa aniyang pananggalang ang FOI sapagkat magkakaroon ng karapatan ang mamamayan na malaman ang mga pinapasok na transaksiyon ng mga pinuno ng pamahalaan.

Tama naman si Poe na dapat nang maipasa ang panukala na matagal nang nakabimbin sa Kongreso. Marami ang nananawagan sa mga mambabatas na ipasa na ito subalit tila wala nang interes na maipasa sa termino ni President Aquino.

Wala ngang sinasabi sa FOI sina Binay at Roxas gayung dapat sila ang mas maging maingay ukol sa panukala. Wala ba silang pangarap na mabigyan ng kalayaan ang mamamayan na mahalungkat ang mga papasuking transaksiyon ng mga namumuno sa pamahalaan. Wala ba silang pakialam kahit dambu-ngin ang pondo ng bayan?

Nagpapahiwatig si Poe nang matinding suporta sa FOI at wala namang masama. Mabuti at mayroon na siyang plano ukol dito kaysa naman nakanganga. Kahit paano nakikita niyang kapag naipasa ang FOI ay mababantayan ang mga gutom na “buwaya”. Sana nga ipaglaban niya.

Ang dapat lamang tandaan, baka naman mapako ang ipinangako. May nangako na sa FOI noon pero nalimutan nang nakaupo na. Nagsasawa na ang mga tao sa mga mapagkunwaring lingkod ng bayan.

ANG

DILIMAN CAMPUS

FREEDOM OF INFORMATION

GRACE POE

JEJOMAR BINAY

MAR ROXAS

MGA

NANG

PRESIDENT AQUINO

SENATOR POE

WALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with