^

Punto Mo

Ang Makasariling Pasahero ng Titanic

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SI Lady Duff Gordon ay isang sikat na dress designer sa London at New York. Ayon sa bulong-bulungan ng mga sosyal sa London, lihim na gumagawa si Lady Duff ng racy underwear para sa royal family. Ito ay bra at panty na kakaiba ang disenyo. Sa sobrang kaseksihan ay mag-iinit talaga ang dugo ng lalaki kapag nakita niyang suot ito ng kanyang partner. Kadalasan ito ay yari sa manipis na lace na ang tinatakpan na lang ay ang nipple at isang dakot na hiyas ng babae. Kung minsan, ang design ng bra at panty ay ibinubuyangyang na ang lahat. Sekreto lang ang paggawa nito ni Lady Duff dahil nakakahiya nga naman malaman ng mga commoner na ang dugong bughaw ay gumagamit na rin ng malalaswang underwear. Ang kanyang mister na si Sir Cosmo ay isang matagumpay na negosyante. Kilala ang mag-asawa sa alta sociedad ng London.

Naging pasahero sila ng Titanic noong sinamang palad ito na lumubog. Ganito ang nangyari kung bakit at paano sila nakaligtas: Masuwerteng nakakuha kaagad ng lifeboat ang mag-asawa kasama ang kanilang personal assistants. Pinaandar na kaagad nila ang lifeboat kahit 12 pa lang ang pasahero. Ang rule sa paggamit ng lifeboat sa panahon ng emergency ay paaalisin lang ito kung mapupuno ng maximum number of passengers na 30. Marami pang pasahero sa barko ang sumisigaw na hintayin sila ngunit hindi nila ito inintindi. Binigyan pala ni Sir Cosmo ng pera ang mga crew sa pagtulong na makakuha ng lifeboat. Nakuha pang mag-joke ni Lady Duff sa kanyang sekretarya sa kabila ng iyakan at pagmamakaawa ng mga pasahero na pasakayin sila. Pagkatapos malinawan ang mga pangyayari tungkol sa paglubog, kinasuhan si Cosmo ng kasong bribery sa mga crew ng lifeboat.

Kumalat sa London  ang ginawang kasamaang ugali ng mag-asawa. Lumikha sila ng maraming “haters” sa high society na kinabibilangan nila at pati na rin sa mahihirap na mamamayan. Iniwasan na sila na parang may sakit na nakahahawa. Minalas na hindi magkaanak na nagbunga ng paghihiwalay. Tila hindi sila tinigilan ng bad karma, na-bankrupt ang patahian ni Lady Duff at nang magtagal, pareho silang binawian ng buhay nang walang dangal.

ANG

AYON

BINIGYAN

GANITO

INIWASAN

ITO

LADY DUFF

LADY DUFF GORDON

NEW YORK

SILA

SIR COSMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with