^

Punto Mo

Ang bulaklak at ang sundalo

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG lalaki ang pumasok sa flower shop. Itinanong ng lalaki kung magkano ang magiging presyo ng bouquet of flowers na pinili niya upang ipadeliber ng 10 sunud-sunod na Miyerkules sa kanilang bahay para sa kanyang Misis.

Ang lalaki ay isang sundalo na nakatakdang idestino sa Mindanao ng anim na buwan. Sanay ang kanyang Misis na binibigyan niya ito ng bulaklak tuwing Miyerkules. Araw kasi ng Miyerkules sila nagkakilala 10 years ago. Gusto niyang patuloy itong makatanggap ng bulaklak kahit siya ay nasa Mindanao.

“Sir, two months and a half lang ang 10 Miyerkules. Dapat ay higit pa rito ang inyong orderin dahil sabi mo’y six months kang mawawala.”

Napangiti ang sundalo na parang nahihiya. Matagal bago nakasagot. “Ten deliveries lang ang kaya kong bayaran.  ‘Yung natitirang Miyerkules, bahala na akong maghanap  ng flower shop sa Mindanao. Iipunin ko pa ang susuwelduhin ko sa darating na mga buwan.”

May naisip ang may-ari ng flower shop. “Ipagpapatuloy ko ang pagpapadala ng bulaklak sa iyong misis hanggang anim na buwan. Saka mo na lang bayaran pagbalik mo dito sa Maynila. Nanghihinayang ako sa sweetness mo. Kawawa din si Misis at mabibitin lang. Isa pa, hindi sure kung may  flower shop  sa pupuntahan mo. Mukha ka namang mabait at  mapagkakatiwalaan. Kaya okey lang na pautangin kita.”

Pumayag ang sundalo. Pagkaalis nito  ay saka nagsalita ang assistant ng may-ari ng flower shop na kanina pa nakikinig sa usapan ng kanyang amo at ng sundalong kostumer.

“Mam, bakit ka nagtiwala kaagad? Malaking pera din ang itataya mo sa iyong pagtitiwala. Gaano ka kasigurado na babalikan ka para bayaran?”

“Hundred percent akong nakakaseguro na babalik siya. Una, sundalo siya. Kapag sundalo, mataas ang tsansa na marangal siya. Ikalawa, mahal na mahal niya ang kanyang Misis at hindi niya gugustuhing mula sa pambabalasubas mangga­galing ang magagandang bulaklak na ipapadala niya.”

ACIRC

ANG

ARAW

DAPAT

GAANO

IIPUNIN

IKALAWA

IPAGPAPATULOY

MINDANAO

MISIS

MIYERKULES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with