Ang pandak

MAY kasabihan ang matatanda: “Ang mahilig maniwala sa sabi-sabi, walang tiwala sa sarili”. Si Michael Jordan ay tinanggihan, pinintasan at sinabihan ng mga negatibong komento pero hindi niya iyon pinakinggan at sa halip ay itinuloy niya ang ginagawa hanggang sa makamtan ang tagumpay.

Lumaki si Michael sa Wilmington, North Carolina. Noong siya ay nasa second year high school sa Emsley A. Laney High School, nag-try out siya para sa varsity basketball team pero hindi siya tinanggap ng coach dahil kulang siya sa height, 5’11 pa lang siya noon. Pandak siya para maging official player ng basketball team ng kanilang school.

Naisipan ng school na magtayo ng  Junior Varsity Squad kung saan ang mga basketball players ay mas maliliit kumpara sa players ng varsity basketball team. Sa Junior team natanggap si Michael. Ipinakita niya ang kanyang galing sa basketball kaya hindi nagtagal ay naging star player siya ng junior varsity squad. Sa kalalalaro at madalas na paglundag upang i-shoot ang bola, ang height ni Michael ay nadagdagan ng 4 inches. Dahil matangkad na siya at magaling pang maglaro, inalis siya sa junior team at ginawang player na varsity basketball team.

Noong 1981 ay nag-aral siya sa University of North Carolina at naging star player siya ng varsity team. Pagsapit ng 1984, isang taon bago niya matapos ang kanyang kurso, siya ay kinuha ng Chicago Bulls. Kaya bumalik siya sa UNC noong 1986 upang tapusin ang kanyang degree. Ang height niya noong nasa NBA siya ay 6’6. Siya ang itinuring na “Greatest Basketball Player of all time”. Noong June 2010, nirangguhan siya ng Forbes Magazine bilang 20th most powerful celebrity in the world with $55 million earned between June 2009 and June 2010. Ayon sa artikulo na lumabas sa Forbes magazine, Brand Jordan generates $1 billion in sales for Nike. Kaya next time na may pumintas sa iyo, dedma ka lang, isipin mo na lang si Jordan na sinabihang pandak ng coach.

Show comments