DAHIL sa sobrang kalasingan kaya nagawa ng isang 36-anyos na babae sa Norfolk, Virginia na makipagtalik sa kanyang boyfriend na lasing din habang nasa isang parking lot ng isang shopping plaza.
Shock ang mga nakakita sa ginagawa ni Kimberly M. Jackson habang nakapatong sa kanyang boyfriend na si Earl Palmer. Marami ang nakakita sapagkat ang parking lot ay malapit sa isang day care center at Army recruitment center.
Ang ibang nakakita ay kinunan ng picture ang ginagawa ni Kimberly at agad na kumalat sa Internet. Pinagpistahan ang ginawang pakikipagtalik ni Kimberly habang nakahiga sa semento si Earl at hindi makagulapay dahil sa sobrang kalasingan.
Sabi ng daycare worker na si Tempesst Robertson, “Nakapandidiri ang kanilang ginawa!’’
Nang dumating ang mga pulis, naabutan pa nilang nasa ibabaw si Kimberly at tulog na tulog naman dahil sa kalasingan si Earl. Inaresto si Kimberly at kinasuhan ng public drunkenness. Dinala naman ng paramedics si Earl sa ospital sapagkat hindi ito magising.
Nang kapanayamin ang dalawa ng mga television at newspaper reporter makaraan ang nakahihiyang pangyayari sa parking lot, sinabi ni Earl Palmer na silang dalawa ang may kagustuhan kaya nangyari iyon. “She has needs, I had needs,’’ sabi niya at ipinagtanggol ang GF na si Kimberly sa ginawa nito habang siya ay tulog na tulog dahil sa kalasi-ngan. Gusto raw niyang linisin ang pangalan ni Kimberly. Ang totoo raw ay gising pa siya habang nakikipagtalik kay Kimber-ly pero hindi na niya nakayanan nang nasa gitna na sila at bigla siyang nawalan na ng malay dahil nga sa kalasingan.
Sabi naman ni Kimberly, hindi raw siya nakadama ng takot o pagkapahiya kahit na alam niyang maraming tao ang makakakita sa ginagawa nilang pagtatalik. Basta ang pakiramdam daw niya ay nasa mood siya ng mga sandaling iyon. Ang labis daw na pagkalasing sa alak ang dahilan kaya nila nagawa iyon. Pansamantalang nakalaya si Kimberly makaraang makapag-bail pero marami pa raw isasampa laban sa kanya. Hindi naman sinabi kung ano ang ikakaso laban kay Earl.
Sabi ni Earl, mula raw ngayon ay hindi na sila gagawa ng anumang kahalayan sa publikong lugar kung saan ay mara-ming nakakakita. Magiging discreet na raw sila.