Ngayon ay bawal nang mag-angkas ng bata
Mga nagmo-motor nating matatanda;
Sa lahat nang batas ito’y tamang-tama
Upang mga anak ligtas sa sakuna!
Kailangang maging mapagmatyag
Ang ating mga alagad ng batas;
Upang kabataan ngayon ay maligtas
Sa kapahamakang hindi dapat!
Sa sistemang ito itong kabataan
Tiyak maliligtas sa kamatayan;
Mga batang musmos at walang malay
Malayang-malaya sila ay mamatay!
Kaya dapat sundin ang batas na ito
Ang hindi susunod kasalanan ninyo;
Na mga bata na mapahamak dito
Kapalaran niya nagwakas sa inyo!