Farmers sa Japan, nakagawa ng oranges na hugis puso

KAPAG nakakita kayo ng Mandarin oranges na hugis puso sa halip na bilog, ito ay produkto ng mga magsasakang Hapones sa Yawatahama, Ehime Prefecture.

Ipinakita ng mga magsasaka kung paano nila nagawang hugis puso ang mga oranges.

Una, pumipili sila nang magaganda at malalaking Mandarin oranges at ilalagay ito sa loob ng hulmahan na yari sa kahoy at metal na hugis V. Kailangang nakapirmi nang todo ang orange sa hulmahan. Habang lumalaki ang orange ay nagiging V-shape ang puwitan nito at bumibilog pataas. Hanggang sa magkorteng puso ito. Perpekto ang hugis puso.

Ayon sa mga magsasaka, 60 porsi-yentong tagumpay sila sa eksperimen-to sapagkat nakapag-produced na sila ng 250 hugis pusong oranges.

Sinabi pa ng mga magsasaka na sa darating na Valentine’s  Day ay marami nang hugis-pusong oranges na matitikman ang publiko. Target nilang makapag-ani nang marami.

Model, inubos ang 20 cheeseburgers sa loob ng 16 minuto

KAGILA-GILALAS ang ginawa ng model na si Nela Zisser nang ubusin niya ang 20 McDonald’s cheeseburgers sa loob lamang ng 16 na minuto.

Sumali sa eating challenge si Nela at pinatunayan niyang siya ang pinakamabilis kumain ng cheeseburger.

Nagta-travel sa New Zealand si Nela at talagang naghahanap ng challenge sa pagkain nang maraming cheeseburgers. At hindi siya nabigo sapagkat siya ang nagwagi sa paramihan at pabilisan nang pagkain.

Nakakumpleto na si Nela ng 24 iba’t ibang challenges gaya nang pagkain ng 100 piraso ng Nigiri sushi at 5 lbs ng frozen yoghurt.

 

Show comments