^

Punto Mo

EDITORYAL – Sinaktan ang OFWs

Pang-masa

KUNG hindi pa nanghimasok si President Noynoy Aquino sa ginawi ni Customs Commissioner Bert Lina sa balikbayan boxes, hindi pa siya magso-sorry sa mga sinaktang overseas Filipino workers (OFWs), Napagtanto ni Lina na hindi nga pala niya dapat panghimasukan ang mga padalang kahon ng OFWs na ang laman ay matagal na pinag-ipunan.

Nagkaroon ng imbestigasyon ang Senado ukol sa balikbayan boxes at inimbitahan si Lina. Tinanong ni Sen. Sonny Angara si Lina kung totoo nga bang may nagsisingit ng kontrabando (baril at droga) sa mga ipinadadalang kahon ng OFWs. Parang maamong tupa na nag-sorry si Lina. Subalit kahit nag-sorry, iginiit na P3 hanggang P5 bilyon ang pinupuslit taun-taon ng smuggling sa Balikbayan boxes. Pinalalabas talaga na ang mga OFW ay smugglers.

Sabi ni Lina hindi raw niya gustong sirain ang pangalan at tapakan ang OFWs. Siya man daw ay mayroon ding kapatid na OFW. Humihingi siya ng patawad at sinabing ibinibigay niya ang 200 percent support sa OFWs.  Sana totoo ang sinabi niya at hindi pakitang tao lamang.

Ngayong nag-sorry na siya, inaasahang ang tututukan niya ay ang talamak na smuggling na lumulumpo sa kaban ng bayan. Dahil sa smuggling, hindi maabot ng Customs ang target na revenue. Patuloy ang smuggling ng mga mamahaling sasakyan, bigas, asukal, agricultural products at pati basura ay gusto na ring i-smuggle. Nakakalusot ang mga ito dahil na rin sa mga tiwaling opisyal at empleado sa Customs.

Kung haharapin lamang ni Lina ang mga tiwaling opisyal at empleado sa kanyang nasasakupan, maa-ring tumaas ang koleksiyon at maabot ang target na kita. Kaysa pag-aksayahan ni Lina ang ibang mga bagay gaya ng balikbayan boxes, mag-pokus muna siya sa mga tiwali na nasa bakuran ng Customs. Maraming dapat puntiryahin ang Customs Commissioner na magpapabago sa pinamumunuan niyang tanggapan. Hindi dapat saktan ang OFWs na sumasagip sa bagsak na ekonomiya ng bansa.

ANG

BALIKBAYAN

CUSTOMS COMMISSIONER

DAHIL

HUMIHINGI

KAYSA

LINA

MARAMING

MGA

NAGKAROON

SONNY ANGARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with