^

Punto Mo

Huwag kalimutan, maintenance drugs sa grab bag!

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

KABI-KABILA ang ginagawang drills o pagsasanay kaugnay sa napapabalitang matinding lindol na posibleng tumama sa Luzon lalo na dakong Kamaynilaan. Hindi natin alam kung kailan ito mangyayari pero mabuti na ang maging handa.

Dahil sa isyu ng paghahanda, naging popular tuloy ngayon ang tinatawag nating “grab bag,” isang bag na naglalaman ng to­toong mahalaga sa panahon ng kalamidad, kasama na ang lindol at ang walang tigil na pagbisita ng bagyo sa panahong ganito. Puwede nga namang life-saving measures ito para sa atin. Sa panahon ng emergency, isang hablot lang sa bag na ito ang ating gagawin.

At sa gitna ng lahat ng mga bagay na posibleng isilid sa grab bag, hindi natin dapat kalimutan ang mga gamot na kung tawagin natin ay “maintenance drugs” (para sa mga kaanak nating diabetiko, may alta presyon, may sakit sa puso, may hika, at iba pang kondisyon). Ipinapayong maglaan ng mga tablet ng gamot na ito para rito. 

Anu-ano pa ang dapat ilagay sa inyong backpack/ grab bag?

Flashlight at ekstrang baterya

Maliit  na radyo (kung meron)

Silbato (whistle)

Lubid

Ilang kasuotang panlamig (hal. Jacket, sweater)

Inuming tubig (bottled water)

Mga kendi at biskuwit

Ilang gamot kontra lagnat, allergy, sakit ng tiyan, sakit ng ulo

Mga maintenance drugs para sa diabetis, alta-presyon, hika.

(Sa sunod na linggo, tatalakayin ko kung paano paghahandaan ang parating na bagyo.)

ACIRC

ANG

ANU

DAHIL

ILANG

INUMING

IPINAPAYONG

KAMAYNILAAN

LUBID

LUZON

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with