^

Punto Mo

‘Magkapatid nabukulan?’

- Tony Calvento - Pang-masa

ANG mga tao kapag narinig nila ang mga katagang ‘tatawagan ka na lang namin’ hindi na sila umaasa na makukuha nila ang trabaho.

“Naghintay ang kapatid ko pero walang tumatawag. Nang puntahan namin sa opisina nila wala naman sila,” sabi ni Jocel.

Mula Aklan nagtungo ng Maynila sina Jocel Renton upang maghanap ng magandang trabaho. Sa kanilang probinsiya kasi hindi ganun kalaki ang kinikita.

Nakapagtapos si Jocel ng BS Education. Nitong Hulyo 2015 dumating sila sa Maynila ng kanyang kapatid.

“Naghahanap din ng mapapasukan ang kapatid ko para sa local employment. Nakita namin sa isang dyaryo ang Maak Manpower Services sa Makati,” kwento ni Jocel.

Nagsadya dun ang kanyang kapatid para mag-apply. Madali daw ang naging proseso. Hini-ngian kaagad ng ‘requirements’ at pinag-medical. Sumailalim din ito sa limang araw na trai-ning. Nang matapos ang mga kailangan nitong pagdaanan sinabihan daw ang kanyang kapatid na tatawagan siya kung saang opisina ilalagay.

“Sa bilis ng pag-aapply ng kapatid ko pati ako nagpunta sa opisina nila. ‘Office staff’ naman ang sinubukan kong pasukin. Pinagbayad nila ako ng Php150.00 bilang processing fee,” wika ni Jocel.

Walong daang piso naman daw para sa pagpapamedical, Php60.00 sa folder, limang daang piso para sa pag-eendorso sa kanila sa kompanyang papasukan.

“Bago pa namin mabayaran yun nangutang pa kami dahil wala kaming ganung pera,” ayon kay Jocel.

Maging ang ipinangbayad daw ng kapatid ay hiniram lang din nila. Pangako daw ng ahensiya sa kanila bibigyan sila ng trabaho sa lalong madaling panahon. Nang makompleto ni Jocel ang lahat ng hinihingi sa kanya pinapunta siya sa isang opisina na umano’y papasukan niya.

“Pagdating ko dun sa lugar sinabihan ako na hindi ako tanggap. Pinayuhan pa akong bumalik sa Maak,” sabi ni Jocel.

Hindi na nagsayang ng panahon si Jocel, nang hapon din yun dumiretso siya sa opisina ng Maak. Nakita niyang sarado ito, inisip niya na baka umuwi na ang mga nagtatrabaho dito. Binalikan nila ang Maak nang mga sumunod na araw dahil maging ang kanyang kapatid ay hindi na tinatawagan ng mga ito kung mabibigyan ba ng trabaho.

“Sarado na ang Maak nang makita namin. May nakausap kami na malapit sa lugar at ayon sa kanya baka daw nalugi ito kaya nagsara na,” pahayag ni Jocel.

Nanghinayang si Jocel sa perang kanilang nagastos sa pag-aapply ng trabaho sa Maak.

Mabuti daw sana kung walang problema sa ipinambayad ngunit nakatakda din nila itong ibalik sa hiniraman.

“Kaming mga mahihirap at taga probinsiya ang niloko nila. Nagsusumikap kami para sa pamilya namin at para sa pang-araw araw naming pangangailangan tapos ganito lang ang gagawin nila,” salaysay ni Jocel.

Alam ni Jocel na may posibilidad na hindi na nila mahabol ang Maak. Gusto sana nila malaman kung ang ito ay mga ‘scammers’.

Maging babala daw sana ito sa ating mga kababayan upang maiwasan ang tulad ng Maak na nanloko sa kanila.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kapag local employment ang usapan ibinibigay lamang ang mga aplikanteng sa palagay nila kwalipikado at hindi muna ito pinagagastos ng anumang processing fee o pagpapa-medical baka sakaling hindi sila matanggap sa trabahong pinapasukan ganito ang nangyari sa dalawang magkapatid.

Sa simula pa lamang na nanghingi ang Maak ng processing fee nagduda na dapat sina Jocel. Walang masamang magtanong sa Department of Labor and Employment (DOLE) kung ito’y ‘accredited’ at hindi ‘black listed, disqualified o suspended’.

Kaya para sa mga apilikante ‘in good standing’ dapat ang kompanyang pinupuntahan.

Kung meron pa umanong naloko itong MAAK maaari kayong magreklamo ng sam-sama at magsampa ng kasong ‘Syndicated Estafa through Illegal Recruitment’.

Maari kayong magpunta sa National Bureau of Investigation (NBI) sa ‘Anti-human trafficking division’ para maimbestigahan ang kasong ito.

PARA SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang legal, maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

ACIRC

ANG

HINDI

ITO

JOCEL

MAAK

MGA

NANG

NILA

PARA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with