^

Punto Mo

Mga de-boga sa lansangan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kahapon binawian na rin ng buhay ang driver ng van na niratrat ng anak ng retiradong heneral  sa insidente lamang ng ‘tamang hinala’  noong Martes ng gabi sa may  Katipunan Avenue, Brgy. White Plains sa lungsod Quezon.

Dahil dito, dalawa na ang naitalang patay sa insidente.

Unang nasawi ang babaeng sakay  ng van na si Joyce Santos, at sumunod na nga ang driver na si Ronebert Ycot.

Isa pa ang nasugatan sa pangyayari.

Ang suspect ay si Jose Maria Abaya, 50, anak ni ret. general Antonio Abaya, PC.

Niratrat ni Abaya ang puting van na minamaneho ni Ycot sa hinalang ito ang kukuha sa kanya para muli siyang dalhin sa rehab.

Ito palang si Abaya ay dati nang nasangkot sa pamamaril kung saan isang sekyu ang napatay nito noong Oktubre 2012 at isa pa rin ang nasugatan.

Delikado pala ang taong ito na basta na lamang nagpapaulan ng bala , ang nakapagtataka eh bakit nakapagdadala pa ito ng baril.

Sinasabing dalawang baril nito ang lisensiyado, pero ang ginamit nito noong Martes ng gabi na isang  cal. 40 ay hindi nakarehistro.

Aba’y dapat matutukan  ng kapulisan ang ganitong mga insidente o pangyayari.

Bakit kaya  may dati ng rekord  nang pamamaril , nakapagpaparehistro pa ng mga baril.

May rekord pa yan na tila  ‘trigger happy’ o basta-basta na lang namamaril.

Sa ganitong pangyayari, siguradong mauungkat naman ang mga paghihigpit  sa pagbibigay ng lisensiya sa mga baril.

Pero hindi lang yan ang dapat na matutukan , dapat isabay na rin dito ang tungkol sa nagkalat na mga loose firearms na malamang ay siyang madalas na nagagamit sa mga krimen sa lansangan.

Maramio na ang de-baril sa lansangan, kaya nga konting gitgitan lang sa trapiko nandyan ang magkakabunutan ng baril. Mas lalo pang inaasahan ang pagkalat ng boga sa mga lansangan lalu na nga’t nalalapit na ang halalan.

Malaking hamon ito sa PNP , dahil talagang alarmado na ang marami nating kababayan.

 

 

                                             

vuukle comment

ABAYA

ACIRC

ANG

ANTONIO ABAYA

JOSE MARIA ABAYA

JOYCE SANTOS

KATIPUNAN AVENUE

MGA

NBSP

RONEBERT YCOT

WHITE PLAINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with