^

Punto Mo

‘Money, money, money’ (Material Girls)

- Tony Calvento - Pang-masa

DUMUDULAS sa ating mga palad na parang hanging dumaan lang.

Ganito ang pera kapag iyong nahawakan. Dapat mong tipirin na kahit malaki ang gastusin magtabi ng konti kapag dumating ang tag-ulan.

“Umutang pa sa bangko ang tiyahin ko, akala niya kikita siya dahil nag-iisa lang siya sa buhay,” sabi ni Allan.

Mahigit 50-anyos na ang tiyahin ni Don Allan Manubay na si Arlene Batoctoy.

Sa kanyang edad wala siyang maaasahang tulong kaya’t dumiskarte siya kung paano kikita. Naging maingat siya kaya maliit na puhunan lang ang kanyang pinaikot.

“Humanap siya ng pwesto para magtayo ng tindahan. Isang kaibigan ang tumulong sa amin,” pahayag ni allan.

Sa Merville, Parañaque kung saan din malapit lang sa kanilang lugar ang umano’y isinasanla sa halagang Php40,000 ng nakilala nilang si Elizabeth Palma. Ipinakilala kay Allan at Arlene si Elizabeth ng isang kapitbahay.

Nang makita nila ni Arlene ang lugar napansin nilang malapit ito sa eskwelahan at siguradong maraming bibili ng kanilang mga kalakal at pwede pa silang magbenta ng mga kakanin.

Umutang sa bangko si Arlene para mabayaran ang halaga ng sanla. Agad nila itong ibinigay kay Elizabeth. Nagtakda ito ng petsa kung kelan pwedeng tirahan ang bahay.

“Pagdating ng araw na yun pinuntahan namin ang bahay sarado na. Nung hinanap namin ang taong kausap namin wala siya doon,” kwento ni Allan.

Lumapit sila sa barangay upang ireklamo si Elizabeth. Pinaasa raw sila na madadala sa usapan ang naging problema at maaayos nila ito. Ilang araw ang nakalipas wala na siya sa kanilang lugar.

“Marami na ring nagsilutangan na naloko ni Elizabeth. Pinakamababa ang sa tiyahin ko. Yung iba Php80,000,” sabi ni Allan.

Iba-iba rin daw ang pangalan na ginagamit nito sa bawat taong niloloko. Malamang hindi yun ang tunay niyang pangalan na ibinigay sa ‘min.

“Balita namin nasa Bicol na daw ito ngayon,” pahayag ni Allan.

Dahil sa inutang ito sa bangko ay sinisingil na sila na may nakapatong na interes pa.

Lumapit sila sa amin upang humingi ng tulong kung ano ang pinakamabilis na maaari nilang gawin upang mabawi ang pera ni Arlene.

Sa isang magkaugnay na reklamo dumulog sa amin si Nemesia Orellana dahil sa parehong problema sa pera.

Masy  ahente daw sila ng kanilang ibinebentang bahay sa Laguna na nakilala nila sa pangalang Narissa Alfuerto.

Ibinibenta nila ito sa halagang Php780,000 at si Narisa ang naghanap ng bibili. Nang makahanap ng buyer ipinakita nito ang bahay at nagustuhan naman.

Ika-20 ng Marso 2015 nang magbayad ng ‘down payment’ na Php180,000 ang bumibili.

“Para dapat yun sa pag-aayos ng mga dokumento upang malipat na sa pangalan nila ang titrulo,” ayon kay Nemesia.

Pinagkjatiwalaan nila ng ‘SPECIAL POWER OF ATTORNEY’ (SPA) si Narissa para lakarin at ayusin ang lahat ng kailangan hanggang sa malipat ang titulo nhg bahay sa kanilang pangalan.

“Sabi niya nawala daw ang pera at dokumento nung Abril 13, 2015 ngunit ipinaalam niya lang sa ‘min nung Abril 29, 2015,” kwento ni Nemesia.

Lumapit sina Nemesia sa barangay upang asistehan sila sa kanilang reklamo. Nagharap sila noong ikauna ng Hunyo 2015. Nangako ito na aayusin niya ang mga dokumento at ibabalik niya sa loob ng tatlong buwan ang pera.

“Hindi naman siya tumupad sa mga pangako niya. Nagkaroon kami ng pirmahan sa barangay at matatapos ang kasunduan namin sa Setyembre 8, 2015 para maibalik niya ang pera,” ayon kay Nemesia.

Nakilala lamang daw nila ito sa kakilala nilang ahente.

Nang  magreklamo daw siya sa barangay ay kinausap niya ang bibili ng bahay, nagbigay ito ng Php130,000 at inayos nila ang mga dokumento para matapos ang problema niya dito.

Bumili sila ng maliit na bahay at halos wala daw natira sa kanilang pinagbentahan dahil nagbayad pa sila ng ilang mga pinagkakautangan.

Humihingi ng payo sina Nemesia kung paano nila mababawi ang pera sakaling hindi ito tumupad sa pinagkasunduan nila sa barangay. Magagamit pa daw nila ito bilang puhunan.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, sa unang problema aming itinampok kinakailangan nilang alamin ang eksaktong kinaroroonan ng nanloko sa kanila. Kung iba’t-ibang tao ang nagantsyo nito at lahat ay magrereklamo maaari silang magsampa ng ‘Large Scale Swindling’.

Malamang ang nagpakilala sa kanila ay alam kung saan nakatira ito.

Ang kay Nemesia naman dahil binigyan ng pera hindi ibinayad at tumakbo maliwanag na kasong “Theft” ang pwede nilang isampa sa Prosecutor’s Office.

PARA SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang ;o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

ACIRC

ALIGN

ANG

ARLENE

ITO

LEFT

MGA

NILA

NIYA

QUOT

STRONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with