MAY benepisyo sa kalusugan ang hindi pagsusuot ng panty. Sa katunayan, may mga doctor na nagsasabing subukang huwag magsuot ng panty habang natutulog sa gabi, kung nakakaranas ng pangangati at iritasyon ang iyong “little flower”.
Ang bacteria ay nabubuhay at dumadami sa mga sumusunod na kondisyon:
1. Basa
2. Mainit
3. Madilim
4. Walang oxygen
Hindi maikakaila na matatagpuan sa pubic area ang apat na elementong nabanggit. Kaya kung bibigyan ng pagkakataong mahanginan ang “little flower” sa pamamagitan ng hindi pagsusuot ng panty kahit man lang sa buong magdamag, ang panganib na magkaroon ng bacterial vaginosis at yeast infection ay bumababa.
Kung ang ibang babae ay nagpe-feeling sexy kung nakasuot na lace lingerie, gaano na kaya siya kaseksi kung “naked” sa gabi? Magdadagdag pa ito ng self-confidence sa mga “singles”. Samantala sa mga misis, your husband will love it!
Sources: elitedaily.com, trendyworldwide.com, adventurouswriter.com