Nasaan ang PNR train?

Sanga-sangang daan ang ating nakita

na pinupuntahan nang maraming pera;

Kaya ang tuwid na landas ay sira na

at ang daambakal ngayon ay wasak pa!

 

Dati ang PNR train ay abot sa Bicol

mula sa Tutuban ito ay patuloy;

ngayon biyahe nito ay kakarampot

hanggang Muntinlupa halos di umaabot!

 

Saan ba napunta kailangang budget

upang ang train sa malayo makasapit?

Kaninong bulsa ba ang pera’y nasilid

upang ang PNR train mabalik sa riles?

 

Saan napupunta ang maraming lagay

ng bus operator upang ito’y mapigilan?

Kung di-tinatanggap ganitong mga bagay

PNR train operation ay tulong sa bayan!

Show comments