^

Punto Mo

EDITORYAL –Mga ‘buwaya’ sa Customs ang atupagin h’wag balikbayan box

Pang-masa

TALAMAK ang smuggling sa bansa. Wala nang takot ang smugglers at lahat ay ipinapasok sa bansa --- mamahaling sasakyan, bigas, bawang, sibuyas, karne at pati basura ay gusto na rin yatang i-smuggle. Noong isang araw, daang toneladang asukal na nagkakahalaga ng milyong piso ang nasabat. Marami pa ang nakakalusot kaya talo ang gobyerno. Hindi maabot ng Customs ang target na revenue.

Malakas ang loob ng smugglers sapagkat mayroong kumakalong sa kanilang mga “buwaya” sa Customs. Hindi mangangahas ang smugglers kung wala silang kakutsaba. At hindi kayang harapin ni Customs Commissioner Bert Lina ang mga “buwayang” tauhan kaya ang pinagdiskitahan niya ay ang balikbayan boxes. Habang patuloy ang pagsasamantala ng mga “buwaya” sa Customs, ang mga gamit na matagal na inipon ng overseas Pinoy workers ang gustong halungkatin para buwisan. Sa direktiba ni Lina, bubuksan ang mga kahon na pinadala ng OFWs para inspeksiyunin. Sabi ni Lina, nasa batas naman ang pag-iinspeksiyon sa balikbayan boxes. Sa pagpapatupad ng pag-inspeksiyon sa balikbayan boxes, masisiguro na wala itong kasamang droga.

Umani ng batikos ang direktiba ni Lina. Umusok pati ilong ng mga OFW. Bakit ang kanilang padala ang hahalungkatin? Paano kung may mawala sa kanilang mga padala? Paano makasisiguro na honest ang mga taga-Customs na mag-iinspeksiyon sa mga kahon? Kung ngayon na sarado ang mga kahon ay may nawawala, paano kung bubuksan ang mga ito?

Mabuti naman at nakialam na si P-Noy sa Customs at iniutos nang inspeksiyon sa balikbayan boxes. Sa direktiba, bubuksan lang ang kahon kapag may nakitang kahina-hinalang bagay matapos ma-x-ray.

Kaysa balikbayan boxes ang pagkaabalahan ni Lina, unahin muna niyang lipulin ang mga “buwaya” sa kanyang tanggapan. Ang mga “buwaya” ang dahilan kaya may smugglers. Kapag napuksa ang mga “buwaya” mawawala na rin ang smugglers.

ACIRC

ANG

BAKIT

CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER BERT LINA

HABANG

KAPAG

KAYSA

MALAKAS

MGA

PAANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with