Mga maling akala
Lulubog ang Tao sa Kumunoy
Ang akala natin ay lulubog tayo sa kumunoy. Mas malaki ang tsansa na lumubog lang ang isang tao hanggang beywang. At lalong hindi totoo na lalong lulubog ang tao kung siya ay gumagalaw. Ang kumunoy ay pinaghalong tubig-alat, clay at buhangin. Hindi sumisipsip ng mga naturang bagay ang katawan ng tao kagaya ng sponge kaya hindi talaga tayo lulubog.
Mas mabuting tanggalin ang kutsilyong isinaksak sa katawan ng tao kaysa hayaan itong nakabaon sa katawan.
Hayaang nakabaon ang kutsilyo sa katawan habang itinatakbo ito sa ospital. Mga medical personnel lang ang dapat magtanggal ng kutsilyo dahil alam nila ang gagawin sa sugat pagkatapos tanggalin ang kutsilyo.
Inumin ang juice ng cactus kapag nauhaw sa gitna ng disyerto.
May toxic alkaloids ang pulp ng cactus na magdudulot ng pagtatae at pagsusuka. Lalo lang kayong matutuyuan ng katawan.
Kung dehydrated ka pero walang tubig, mainam na inumin ang sariling ihi.
Ang ihi ay dumi ng kidney. Sa oras ng emergency, okey lang itong gawin sa isang araw pero delikado na kung uulitin ng ilang beses. Paulit-ulit mong ibabalik sa iyong katawan ang dumi ng iyong kidney. Magdudulot ito ng pagkasira ng iyong kidney.
Source: mentalfloss.com
- Latest