Dumarami ang mahirap

Habang lumalaki ating populasyon

Lalong dumarami ang mahirap ngayon

Sila’y umaalis sa tahanang kahoy

Sa pag-asang sila alis sa kumunoy!

 

Pumapayag sila lumipat ng bahay

Sa malayong lugar na pinagtapunan;

Ang akala nila roon manirahan

At doo’y sagana sa maraming bagay!

 

Sa relokasyong site na narating nila

Ay walang kuryente at tubig na mura;

Ang unang nawala ay trabaho pala

At ang mga anak ay walang eskwela!

 

Kaya nangyayaring sila’y bumabalik

Sa Metro Manila at mga karatig;

Ang iba’y sa tabing dagat na malamig

Doon nagbabahay ng karton at banig!

Show comments