^

Punto Mo

‘Tiyaga-tiyaga na lang daw muna sa trapik’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SENTRO ngayon ng batikos at kontrobersiya ang administrasyon dahil sa lumalalang trapiko sa kalakhang Maynila.

Papaano ba naman kasi umaga palang ‘parking lot’ na lansangan na agad ang bumubungad sa mga motorista. Hindi makasingit sa lumiliit na kalsada dahil ang mga sasakyan, bumper-to-bumper na.

Sasabayan pa ng mga dambuhalang bus na wala namang pasaherong laman.  Ang mas nakaka-bwisit pa, ang mga kolokoy na drayber balasubas kung magparada sa mga hindi naman bus stop para lang  makapuntos sa ibang mga namamasada.

Sa mga nakatira sa Metro Manila, pangkaraniwan na ang ganitong mga tanawin. Tinanggap na ng mga residente na ang lumalalang trapiko, kabahagi na ng kanilang buhay.

Nitong mga nakaraang araw, mabuti naman at tinablan ng hiya ang Palasyo. Hindi magkandaugaga ang kanilang mga tagapagsalita sa paghingi ng pasensya. Habaan nalang daw ng mga motorista ang kanilang mga pisi dahil kaliwa’t kanan ang mga pinapagawang daan at imprastruktura.

Sa malisyosong pag-iisip ni Juan Dela Cruz, bakit ngayon lang ibinubuhos ang pondo at sinisimulan ang mga proyekto kung kailan papalapit na ang eleksyon. Tsk…tsk!

Kung napakadali lang para sa Malakanyang humingi ng pasensya, eto naman ang mensahe ng BITAG sa mga motoristang naiipit sa lansangan ng Metro Manila, umiwas sa patibong ng road rage.

Ito ‘yung bayolenteng reaksiyon ng mga nasa likod ng manibela tulad ng pagmumura, pa-ngungutya, pananakit at madugong kompron­tasyon na nauuwi sa pagpatay sa kapwa motorista.

Eksena ito sa kalsada kapag masikip ang trapiko at ang mga sasakyan nagkakagitgitan, nag-uungusan, naglalama­ngan, ayaw magbigayan at nag-aagawan ng linya.

Para makaiwas, mabuting ikondisyon muna ang sarili sa pagmamaneho bago humawak sa manibela.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

ABANGAN

ACIRC

ANG

EKSENA

HABAAN

ITO

JUAN DELA CRUZ

MALAKANYANG

METRO MANILA

MGA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with