NAG-IIYAKAN ang mga freight forwarders sa US at Canada dahil sa desisyon ni Customs Commissioner Bert Lina na dagdag P100,000 na singil kada container van nila. Siyempre, kung mayroong 50 container van kang pinapadala sa Pinas, ang ibig sabihin n’yan karagdagang P5 milyon na gastos, di ba mga kosa? Eh saan pa ipapasa ng mga freight forwarders ang gastusin na ‘yan kundi sa mga parukyano nila, na ang karamihan ay mga OFW na-ting kababayan na magpapadala ng kung anu-anong bagay o regalo para sa mga mahal nila sa buhay sa Pinas sa darating na Pasko. Ayon sa mga kosa ko, nagbanta si Lina na ideklarang red flag ang kanilang kargamento kapag hindi sila sumunod sa bagong pitsa-pitsa scheme ng BOC. Kapag red flag ang kargamento mo mga kosa, ang ibig sabihin puwede buksan isa-isa ang mga kahon na magdulot ng delay sa shipment mo. Ang suspetsa ng mga forwarders sa US at Canada, itong desisyon ni Lina ay bahagi ng isang malakihang plano para makakalap ng war chest sa kandidato ng Liberal Party para sa darating na 2016 election. Boom Panes! Hehehe! Ikaw ba ‘yun DILG Sec. Mar Roxas Sir? Sino pa nga ba?
Itong panggigipit ni Lina sa mga forwarders ay nakarating na sa Kongreso at hiniling ni Connie Bragas-Regalado, ng Migrante party list, na dapat imbestigahan ito. Dapat lang! Ayon kay Regalado, dapat arukin kung bakit kailangang ipataw ng BOC ang karagdagang taxes na hindi sinasang-ayunan ng mga freight forwarders at OFWs. Aniya pa, nagdagdag na ng additional taxes si Lina noong Hulyo at hindi na kinakailangang magkaroon ng panibagong tax na magpapahirap pa sa ating mga OFW at mga pamilya nila. Tumpak, di ba mga kosa? Mula P80,000 pala ay na-ging P180,000 ang singil ng BOC sa liderato ni Lina sa darating na container vans sa mga pantalan ng Pinas na pinalagan ng mga freight forwarders. Hehehe! Halos 120 porsiyento ang dagdag si-ngil ni Lina at siyempre ang mga OFW at pamilya nila ang unang tatamaan, di ba mga kosa? Tiyak ‘yun!
Ipinaliwanag naman ni Lina na ang kanyang aksiyon ay alinsunod sa balitang itong mga tax-free balikbayan boxes ay ginagawang front ng ilang traders para mag-smuggle ng kontrabando sa bansa. Kaya hihigpitan ang parating ng balikbayan boxes subalit kung bakit ang karagdagang bayad ang naisip ni Lina ay siya lang ang nakakaalam. Ayon pa kay Lina, nagsagawa ang BOC ng spot checks sa ilang warehouses at tumambad sa kanila na ang karamihang laman ng mga balikbayan boxes ay used clothing, home appliances at ilan pang items na maaring ibenta sa labas. Puwede umanong i-konsider na smuggled goods ang laman ng mga balikbayan boxes dahil sa hindi ito naaayon sa alituntunin ng Philippine Tariff and Customs Code. Ipinaliwanag pa ni Lina na ang balikbayan boxes ay duty and tax-free packages na ang intensiyon ay tulungan ang ating mga OFW para magpadala ng gifts sa kanilang pamilya sa mababang bayarin. Subalit dapat ang halaga lang ng mga gifts ay hindi lalagpas sa $500. Dapat lang sigurong umupo si Lina at ang mga freight forwarders para magkaroon ng win-win solution sa misunderstanding na ito. Tumpak!
Subalit dapat pagandahin muna ni Lina ang takbo ng BOC ukol sa dumarating na kargamento sa mga pantalan sa bansa hindi ‘yaong war chest ng mga pulitiko ang nasa isipan niya, di ba mga kosa? Kapag nawala na kasi ang corruption sa mga sangay ng Customs kahit sumingil pa siya ng mahal na taxes eh walang papalag d’yan. Dadagdagan ka nga ng taxes eh usad pagong naman ang mga papales mo at hindi lalakad na walang padulas eh di wala din, di ba mga kosa? Abangan!