^

Punto Mo

Sampaguita (129)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

LINGID kay Sampaguita, napapansin pala siya ng maid na si Viring. Dahil magkasama sila sa iisang kuwarto dahil nga sa nangyaring tangkang pagnanakaw, naramdaman ni Viring na hindi mapakali sa pagkakahiga si Sampaguita. Malalim na ang gabi ay naramdaman pa niyang gising ang kanyang sen­yorita. At nahuhulaan ni Viring na ang nagpapagulo sa isipan ng kanyang sen­yorita ay si Levi. Nahulog na yata ang loob ni Sam kay Levi mula nang mai-ligtas siya nito sa dalawang magnanakaw. At naisip ni Viring, sana ay dumating na si Ram para mapigilan ang anumang mangyayari. Kung hindi pa ito darating baka lubusan nang mahumaling si Sampaguita. Sana ay mag-text o tumawag man lamang si Ram para malaman ang mga nangyayari rito. Sayang naman kung mauuwi sa pagkakahiwalay ang kuwento ng kanilang pagmamahalan at ang masaklap baka nga ang planong paghihiganti kay Levi ay malusaw na. Paano na ang mga pinag-usapan nila ni Sir Manuel? Nakatulugan na ni Viring ang pag-iisip sa mga nangyayari kay Sam.

Sumunod na araw, lalo pang nangamba si Viring sa nakitang closeness nina Sam at Levi. Kung dati ay pinahihirapan ni Sam si Levi at maagang pinaaalis, ngayon ay hindi na. Masaya ang dalawa sa pagkukuwentuhan. Nasa tabi sila ng pool at masayang nag-uusap. Malaki ang pagbabago ni Sam sa pakikitungo kay Levi.

Napakinggan ni Viring ang pag-uusap ng dalawa:

“Saan mo dinala ang dalawang magnanakaw, Levi?’’

“Sa dapat nilang kalagyan, Sam. Ang mga masasamang katulad nila ay hindi na dapat pinatatawad.’’

“Diyos ko! Sinalvage mo sila.’’

“Wala akong sinasabi. Basta nasa tamang lugar na sila at hindi na sila maka­gagawa pa ng kasamaan.’’

“Paano kung ang mga pulis naman ang maghanap sa’yo?’’

“Hindi mangyayari ‘yun. Gusto nga ng mga pulis ang ginawa ko. Wala na silang tatrabahuhin dahil ginawa ko na.’’

“Diyos ko! Nakakatakot naman ang ginawa mo.’’

“Ayaw ko nang maulit ang nangyari na pinasok ka rito, Sam.’’

“Salamat uli Levi.’’

“Walang anuman, Sam. Siyanga pala, gusto kong anyayahan kang lumabas. Baka naman pagbibigyan mo na ako. Sana ay hindi ako mabigo, Sam…’’

Hindi makapagsalita si Sam. Naguguluhan.

Si Viring naman ay halos hindi humihinga habang nakikinig. Huwag kang papayag, Senyorita! Huwag kang papayag! (Itutuloy)

ACIRC

ANG

DIYOS

HINDI

HUWAG

LEVI

PAANO

SAM

SANA

SI VIRING

VIRING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with