Matindi na ang ginagawang pag-atake ng grupo ng mga kawatan na ang tambayan ay ang tulay ng Quiapo o Quezon Bridge sa Maynila.
Target ng mga ito, ang mga pasahero ng jeep at maging sa bus.
Grabe dahil harapan ang ginagawang pagsalakay, walang katakut-takot at wala ring pinipiling oras.
Ang siste nito, nakakuha hindi pa natitinig, kundi titira uli.
Ika nga walang alisan sa lugar hanggat hindi nakakarami.
Ibig lang sabihin nito, walang huhuli o sisita man lang sa kanila.
Aba’y hindi malaman kung bakit ganito kalalakas ang loob ng mga kawatang ito.
Sa gabi nakakubli ang mga ito sa mga puno sa paanan ng tulay. Dahil nga sa ma-trapik at usad-pagong ang mga sasakyan sa lugar, naiispatan agad nila kung sino ang kanilang bibiktimahin.
Bababa sa kanilang tinatayuan saka titira, pitas dito, agaw doon ang kanilang estilo.
Matagal na rin daw itong idinadaing sa pulisya na sana daw ay mabantayan, pero hanggang ngayon walang nakikitang mga parak na magtataboy man lang sa mga ito.
May lungga na rin daw ang mga kawatan sa magkabilang side ng tulay.
Dumarami na sila sa lugar, kasi nga namimihasa wala namang huli, walang sita man lang sa kanila.
Hindi ba’t ang pagpapalakas sa police visibility ang siyang pinatututukan ng bagong upong PNP chief Director Gen. Ricardo Marquez, eh bakit marami pa ring mga crime prone areas, hindi lang sa lungsod ng Maynila ang hindi ito makita at masumpungan.