^

Punto Mo

Grupo ng kawatan, tambay sa tulay

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Matindi na ang ginagawang pag-atake ng  grupo ng mga kawatan na ang tambayan ay ang tulay ng Quiapo o Quezon Bridge sa Maynila.

Target ng mga ito, ang mga pasahero ng jeep at maging sa bus.

Grabe dahil harapan ang ginagawang pagsalakay, walang katakut-takot at wala ring pini­piling oras.

Ang siste nito, nakakuha hindi pa natitinig, kundi titira uli.

Ika nga walang alisan sa lugar hanggat hindi nakakarami.

Ibig lang sabihin nito, walang huhuli o sisita man lang sa kanila.

Aba’y hindi malaman kung bakit ganito kalalakas ang loob ng mga kawatang ito.

Sa gabi nakakubli ang mga ito sa mga puno sa paanan ng tulay. Dahil nga sa ma-trapik at usad-pagong ang mga sa­sakyan sa lugar, nai­ispatan agad nila kung sino ang kanilang bibiktimahin.

Bababa sa kanilang tinatayuan saka titira, pitas dito, agaw doon ang kanilang estilo.

Matagal na rin daw itong idinadaing sa pulisya na sana daw ay mabantayan, pero hanggang ngayon walang nakikitang mga parak  na magtataboy man lang sa mga ito.

May lungga na rin daw ang mga kawatan sa magkabilang side ng tulay.

Dumarami na  sila sa lugar, kasi nga namimihasa wala namang  huli, walang sita man lang sa kanila.

Hindi ba’t ang pagpa­palakas sa police visibility ang siyang pinatututukan ng bagong upong PNP chief Director­ Gen. Ricardo Marquez, eh bakit marami pa ring mga crime prone areas, hindi lang sa lungsod ng Maynila ang hindi ito makita at masumpungan.

ACIRC

ANG

BABABA

DAHIL

DUMARAMI

GRABE

HINDI

MAYNILA

MGA

QUEZON BRIDGE

RICARDO MARQUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with