“SIYANGA pala, Sam, wala pa ba ang drayber mo?’’Tanong ni Levi na ang tinutukoy ay si Ram.
‘‘Wala pa siya, Levi. Siguro’y masama ang nangyari sa kanyang inang maysakit.’’
“Ah kaya maaaring matatagalan pa bago siya makabalik dito.’’
“Palagay ko nga Levi.’’
“Mahirap ang walang kasamang lalaki lalo sa panahon ngayon na maraming masasamang loob. Lalo pa nga kung ganitong malaki ang bahay na takaw-tukso sa mga magnanakaw.’’
“Natatakot nga ako, Levi. Parang nagkaroon ako ng phobia. Pakiramdam ko la-ging may humahawak sa paa ko.’’
“Huwag kang mag-alala at narito naman ako. Ako na lang ang magbabantay sa’yo.’’
“Nakakahiya naman Levi.’’
“Ngayon ka pa ba mahihiya, Sam?’’
“Kasi’y malaki na ang nagawa mong tulong. Kung hindi dahil sa’yo ay baka napahamak na ako. Baka nagahasa o kaya’y napatay na ako ng magnanakaw.’’
“Wala yun, Sam. Ang gusto ko lang ay makatulong sa nasa panganib.’’
“Salamat Levi.’’
“Aalis na ako, Sam. Basta kailangan mo ang tulong ko, sumigaw ka lang at darating ako. Isigaw mo, Super Levi, he-he, joke!’’
Nagtawa si Sam pero mahina lang. Sa unang pagkakataon ay ngayon lang siya napatawa sa sinabi ni Levi.
‘‘Sige Sam. See you.’’
‘‘Salamat uli, Levi. Bye.’’
Nang makaalis si Levi ay tinawag ni Sampaguita si Viring at ikinuwento ang mga nangyari. Hindi makapaniwala si Viring. Bakit wala siyang narinig kagabi? Mananakawan na pala sila ay hindi pa niya alam.
“Kung hindi dumating si Levi baka nagahasa na ako ng mga magnanakaw, Viring. Hinawakan na ang mga paa ko ng isa sa magnanakaw. Akala ko nga tapos na ang kabirhenan ko.’’
“Mga anong oras po nangyari Senyorita?’’
“Mga alas dose ng hatinggabi.’’
‘‘Maaga pa pala pero wala talaga akong narinig.’’
“Baka masarap ang tulog mo.’’
Nag-isip si Viring. Hindi masarap ang tulog niya.’’
“Hindi mo po ako tinawag, Senyorita?’’
“Hindi ko na naisip yun, Viring dahil nataranta ako.’’
“Mabuti naman at walang nangyari sa’yo Sen-yorita?’’
“Utang ko kay Levi ang lahat, Viring.’’
“E ang mga magnanakaw po nahuli po ba?’’
‘‘Nakatakas ang mga hayop. Hinabol ni Levi pero nawala sa dilim.’’
‘‘Sana nahuli niya at nang naipakulong natin.’’
“Pero nakipaglaban si Levi. Mahusay pala sa martial arts si Levi.’’
Napatango na lang si Viring.
‘‘Utang ko sa kay Levi ang lahat.’’
(Itutuloy)