^

Punto Mo

EDITORYAL - Durugin, salot na drug traffickers

Pang-masa

TAGUMPAY ang pagsalakay ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pugad ng illegal na droga sa Barangay 188 Caloocan City noong Miyerkules ng umaga. Arestado ang 21 katao sa nasabing pagsalakay. Sampung shabu dens ang nadiskubre sa lugar na umano’y protektado ng barangay chaiman. Ayaw pang payagan ng barangay chairman ang pagsalakay sa kanyang lugar subalit may bitbit na 14 search warrants ang CIDG.

Sa loob ng dens ay may sistema kung paano oorder ng shabu ang sinumang gagamit. May maliit na window para sa pagbabayad ng inorder na shabu. Pagkatapos magbayad ay kukunin ang inorder na shabu sa ka­sunod na maliit na window. Pagnakuha ang order, aakyat na sa itaas ng bahay ang customer at doon isasagawa ang session. Solb na solb!

Purihin si CIDG Director Benjamin Magalong sa isinagawang pagsalakay. Patindihin pa ng CIDG ang pagsalakay at pagwasak sa shabu dens sa Metro Manila. Nasaan naman kaya ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at tila nabahag na ang buntot sa drug traffickers.

Malala na ang problema sa illegal na droga sa bansa at kung hindi magdo-double time ang drug enforcement agencies, lalo pang dadami ang mga sugapa sa droga. Maraming mawawasak na kinabukasan. Tataas ang krimen at mababalot ng takot ang mamamayan.

Ayon sa Dangerous Drug Board (DDB) tinatayang 1.7 milyong Pinoys ang sugapa sa pinagbabawal na droga. Sinabi pa ng DDB, taun-taon, 1,700 ang namamatay dahil sa paggamit ng droga.

Sa kasalukuyan, hindi lamang sa Metro Manila laganap ang bawal na droga kundi pati sa mga liblib na lugar. Maski ang mga lugar na wala pang kuryente at kalsada ay narating na ng shabu at ginagawang “halimaw” ang mga kabataan at maski may edad na. Sana huwag nang tantanan ng CIDG ang pagsalakay sa napakaraming drug dens sa Metro Manila.

ACIRC

ANG

ARESTADO

AYAW

AYON

CALOOCAN CITY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR BENJAMIN MAGALONG

DRUG BOARD

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

METRO MANILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with