Ano ang problema?

MAY isang propesor sa University of Pennsylvania na mahilig magbigay ng palaisipan sa kanyang mga estudyante. Isang araw, may isinulat ang propesor sa blackboard: 4 and 2. Ang tanong niya sa mga estudyante: Ano ang sagot?

Iba’t iba ang natatanggap niyang sagot:

“Two”

“Six”

“Eight”

Ang propesor ay napailing.

“Class, wala ba kahit isa sa inyo ang nakaisip magtanong ng — ano ang problema sa 4 and 2 — bago ninyo sinagot ang tanong?”

Linawin muna kung ano ang problema bago hanapan ng solusyon. At ang angkop na solusyon ang makakapagbigay ng tamang kasagutan.

May isang doktor na  natanggalan ng lisensiyang makapanggamot dahil sa kapalpakan niyang ginawa sa isang pasyente.

Ayon sa kuwento, may isang babaeng lumapit sa doktor upang ikonsulta ang problema niya sa paghinga. Ang babae’y laging kinakapos sa paghinga. Niresetahan kaagad ng doktor ang babae ng gamot sa sakit sa puso.

Ilang buwan ang lumipas at namatay ang babae. Nalaman mula sa awtopsiya na wala namang sakit  sa puso ang babae. Maling reseta ng gamot ang ikinamatay ng babae. Hika lang pala ang dahilan ng kanyang problema sa paghinga.

Show comments